Chapter 9

2.3K 64 2
                                    

Beatriz

Pakiramdam ko pulang pula na ang pisngi ko. Para etong nilalagnat sa apoy sa init. Lahat ng mata ay nakatingin sa akin nung pinakilala ako ni Hero. Napadako ang mata ko sa taong nakaupo sa harap ko, nakangiti rin eto na nakatingin sa akin. Para akong matutunaw sa mga titig niya.

Ano ba etong epekto mo sa akin Lucas. Naputol ang aming titigan nung nagsalita ang isa sa mga tao niya. Pasalamat ako dahil naibaling naman ang atensyon namin sa nagsalita.

"Hello! I am Tanya Romero, the Marketing Manager of Grandeur Firm Corporation. Thank you for considering to get our services." sabi nito na tumingin sa akin bilang pagpapasalamat. "I would like to introduce also our team to all of you."

Gaya ng ginawa ni Hero, inisa isa rin niyang pinakilala ang mga kabilang sa team nila. At panghuli din niyang pinakilala si Lucas.

"And the man behind the success of our team and growing company, please meet our eligible bachelor-CEO, Engr. LUCAS TRENT SAAVEDRA" Lahat ay napatingin sa kanya nung tumayo siya. Hindi ko rin maalis ang mga mata ko sa kanya. Pinagmasdan ko lahat ng galaw niya.

Mas matangkad siya lalo parang basketbolista. Siguro nasa 6'2" ang height niya. Matipuno ang pangangatawan. Yung gusto ko sa katawan ng isang lalaki. Hindi maskulado pero hindi naman payat para sa tangkad niya. Eto ba ang sinasabi nilang, ravishing sexy. Ang guwapo lalo ng mukha. Nung ngumiti siya ay litaw ang mga dimples niya sa magkabilang pisngi, mas nakadagdag pa eto sa kaguwapuhan niya.

"Okay team, shall we start with the meeting proper? tawag pansin niya sa lahat ng nakatingin sa kanya, lalo na ang mga kababaihan. Pati boses niya ang guwapo. Sexy.

"I think we should start first with the presentation of your project Engr. Evangelista." utos niya eto kay Hero.

Binuksan ni Hero ang projector habang ang sekretarya ko naman ay binigyan ng isa isang kopya ng portfolio ang mga taong nasa meeting.

Nagpatuloy ang diskusyon. Lahat ay nakinig sa presentation ng aking team. Nung natapos na sa presentation ang side ng team ko. Biglang nagsalita si Lucas.

"I must say that the architectural plan is very good. Very modern. However, the structural design does not meet the standard of an Eight Storey Building. This maybe the reason why all your applications for building permit were declined." Napanganga ako sa galing niya magsalita. Puno ng kumpiyansa. Talagang mapapabilib ka.

"The first thing that we should do is to revise the Structural Plan. We have to incorporate in here the building code of the city where we are putting up the structure." pagpapatuloy niya.

Lalo akong impressed sa kanya kasi siya ang hands-on sa proyekto. Hindi na niya hinintay ang kanyang mga tao na magsalita pa para sa team nila.

"For now, we will get one copy of the architectural plan and the old structural plan. I will let my team start working on it" tuloy tuloy niyang sabi. Parang nadisamaya ako. Ibig ba sabihin nito hindi ko na siya makikita sa mga susunod na meeting?

"But of course with my supervision" pahabol niya na nakatingin sa akin ng may ngiti. Parang nabasa niya ang tumatakbo sa isip ko, ganun na ba ako ka-transparent? Whatever! Ang mahalaga, magkikita pa rin kami.

Beatriz, anong nangyayari sa yo? sigaw ng utak ko.

Ginantihan ko na lang ang ngiti niya. At sinambit ang salitang "thank you" kahit hindi naman eto malakas. Kumbaga ay "read my lips" game kami.

Tumingin ako sa aking relo 11:30 na ng umaga. May isa't kalahating oras na pala kaming nakaupo sa kwartong eto.

"Do you have questions or clarifications?" yung boses niya ulit ang umalingawngaw.

"Maam?" tanong sa akin ni Hero.

"I think everything is loud and clear. So when will you give us feedback on this Engr Saavedra?" tanong ko. Nagulat ako sa sarili ko. Bakit ko naitanong yun, gusto ko na siya ulit makita?

"I...I mean, just give us feedback anytime Engr Saavedra. My team here will be the one to coordinate with you" nauutal ko namang sabi.

"Of course, no problem with this project. We will update you from time to time. I will personally handle this project. just F-O-R Y-O-U!" sabi niya niya na nakatitig sa akin. Narinig ko ang mga "ohhhh" ng mga tao nasa meeting. Ano eto? Lantarang pakikipaglandian?

Ramdam ko na ang pamumula ng aking pisngi at buong katawan. Lalo na nung napatingin ako sa mga tao sa loob ng conference na may ngiti. Pabalik balik ang tingin nila sa akin at kay Lucas.

"Thank you so much Engr. Saavedra and to your team. We are looking forward to be working with you" pag-iiba ko sa usapan. "Shall we call it a day then?" pagtatapos ko para hindi na siya makasingit pa.

"Yes, I guess this will wrap up our first meeting" pagsang ayon niya sa akin.

Tumayo na siya at dinukot sa bulsa ang kanyang wallet. Akala ko aabutan na niya ako ng kanyang picture. Inabot niya sa akin ang kanyang calling card.

"If you have further questions and clarifications, let me know and just call me LUCAS, just like the old times" sabi niya sabay kindat. Napanganga ako sa kilos niya. Muntik ng pasukan ng langaw ang bibig ko.

"Noted and thank you." maikling sagot ko na lang. Nagtayuan na rin lahat bilang pagtatapos ng aming meeting.

Hinatid ko sila hangang sa may reception area ng aking floor. Nagpalitan lahat ng "goodbye". Nagulat ako sa sumunod na ginawa sa akin ni Lucas.

Hindi niya natiis at nakipagpakamay siya ulit sa akin sabay hila ng aking kamay para yakapin ako ng marahan at hinalikan sa pisngi. Sabay bulong sa tenga ko "Hope to see you again soon my love" bagamat ako lang ang nakarinig, pakiramdam ko malulunod na ako sa gitna ng Pacific Ocean.

Papalabas na siya ng pinto pero tulala pa rin ako na nakatingin sa kanya. Nakatingin pa rin siya sa akin na may ngiti sa mga labi niya. Ngiting tagumpay.

Beatriz, anong nangyari? tanong ko sa isip ko. Bakit hindi ko siya itinulak sa ginawa niya? Eto na ba yung matagal ko ng hinihintay? Lalo na namang dumagdag eto sa isipin ko.

Come what may.....

____________________________________________________________________

Thank you for your support.

Please don't forget to: VOTE! COMMENT! SHARE!

hugs & kisses :)

jrf😍

My Forever Love [COMPLETED ✔] #wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon