This chapter is dedicated to all OFW readers and Wattpad supporters. I pray for your safety out there and know that we, your kababayans here, are very proud of you. FIGHTING!!!
Thank you maam LaniMarayag.
God bless 🙏~♡~♡~♡~
Beatriz' POV
Pag-alis ni Lucas para sa Cebu trip niya ay hindi na ako nakabalik sa pagtulog. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, parang ang lungkot ng pakiramdam ko na mabigat ang loob ko.
Imbes na magmukmuk sa kuwarto ay nag-asikaso na ako papasok ng opisina. Pagbaba ko ay sakto naman ang dating ni Yaya Ising.
"Good morning anak, bakit ang aga mo naman ngayon sa pagpasok?" Tanong niya pagkakita sa pang-opisina kong ayos.
"Hindi na po ako dalawin ng antok. Maaga po kasi umalis si Lucas."
"Siya sige. Ipaghanda na kita agad ng almusal para makakain ka muna."
Nagtungo agad eto sa kusina ako naman ay bumalik sa kwarto para maglagay ng konting make-up, kailangan ko eto ngayon dahil mukha akong haggard.
Pagbaba ko ay handa na ang almusal. Habang kumakain ay nakatingin ako sa kawalan at malalim ang iniisip pero blanko naman ang utak ko. Namalayan ko na lang na may pumapatak ng luha sa aking mga mata. Agad ko etong pinunasan, ayoko makita ni Yaya Ising baka mag-alala lang eto at magkwento pa kay Lucas.
Sakto alas syete ng umaga ay umalis na ako ng bahay patungong opisina. Idinaan ko sa pagbusisi sa aking trabaho ang kakaibang pakiramdam ko. Naputol lang ako sa trabaho nung tumawag si Lucas.
"Love, I just arrived here in Cebu. How are you feeling now?" Bungad niya sa akin.
"I'm better. You take care there and come home tonight, please?" Paglalambing ko sa kanya.
"Of course, uuwi ako agad, that's a promise. I have to go now, malapit na ako sa site. I'll call you again later."
"I love you very much."
"I love you too. Bye."
Pagkatapos naming mag-usap ay bumalik ulit ako sa trabaho.
Nasa kalagitnaan na ako ng aking konsentrasyon sa trabaho nung kumatok naman ang aking sekretarya. Tiningnan ko ang relo ko, 11:45AM.
"Maam, andito po si Sir Alonzo, kung okay lang daw po niya kayong makausap." Tanong nito sa may pintuan ko, akala ko food delivery.
Ano kaya ang pakay nito, maayos naman na ang problema sa Swine Flu issue sa mga imported goods. So far, wala din namang mga problemang nailapit sa akin regarding sa kanilang mga transactions sa amin.
"Please let him wait at the conference room." Utos ko kay Mitch.
Mas maigi nang harapin ko at kausapin eto kesa iwasan. Mula nung nagkasagutan sila ni Lucas sa telepono ay wala na akong narinig na balita sa kanya. Ngayon lang ulit kami mag-uusap.
Pagpasok ko sa conference room ay nakita ko eto, may dalang bulaklak and as usual, pormadong pormado ang kasuotan.
"Good morning Alonzo, long time no see." Bati ko sa kanya.
"Hi Beatriz, nice to see you again." Nakangiti namang sagot niya.
Agad etong tumayo sa kinauupuan niya at lumapit sa akin. Akmang hahalik eto sa pisngi ko pero umiwas ako sa kanya. Nagulat man ako sa ikinilos niya pero hindi ko ipinahalata. Umupo ako sa katapat niyang upuan para malayo ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Forever Love [COMPLETED ✔] #wattys2019
Romance"Think over of my proposal." Nakangiting sambit ng binata kay Beatriz. Yun ang paulit ulit na tumatakbo sa isip ng dalaga. Inalok siya nito ng indecent proposal o blackmail o kahit ano pa mang itawag dito ay hindi niya lubos maisip na papasukin niya...