Lucas
'Good morning Sir. Ms Arguello is already in the office' – Mitch
Napangiti ako sa text message sa akin ng sekretarya ni Beatriz. Myerkules. Nakabalik na ang hinihintay ko.
'Thank you' reply ko sa kanya.
Nung tumawag ako sa opisina nila Lunes ng umaga, nalaman ko na wala ang amo niya hangang Martes. Miyerkules pa ang balik nito. Ang sabi lang sa akin ni Mitch ay nasa hacienda nila eto para pasyalan ang kanyang magulang. Pinilit ko eto na ibigay sa akin ang cellphone number ni Beatriz pero tumangi eto.
Kinuha ko naman ang mga reports para sa proyekto nila at nireview. Sinabihan ko ang mga tao ko na ako na ang magbigay ng update sa Arguello Team. Yun lang ang naisip ko na paraan para mapalapit sa mga tao ni Beatriz para makakuha ng impormasyon tungkol sa kanya.
Pagkahaba haba ng naging usapan namin ni Hero, head ng engineering team, pero gaya rin ng sekretarya ni Beatriz, takot din eto sa amo niya. Wala rin akong napigang detalye mula sa kanya. Isa lang din ang sagot, nasa hacienda ang dalaga.
Desperado na ako. Wala na ako ibang maisip na paraan para makakuha ng konting impormasyon.
Bigla ko naisip na dapat makuha ang loob ng kanyang sekretarya. At nung Lunes ding iyon, agad agad kong pinadalhan ng catering ang buong staff niya sa kanilang floor. Mabilis pa sa alas singko, tumawag sa akin si Hero at Mitch para magpasalamat sa pagkaing pina-deliver ko.
At hindi ako nabigo sa aking plano. Binigay sa akin ni Micth ang number niya at nangakong bibigyan niya ako ng impormasyon oras na dumating na ang amo niya. Pero kabilin bilinan niya sa akin na wag ko sabihin kay Beatriz na siya ang kasabwat ko. Binigyan ko naman eto ng garantiya bilang pasasalamat.
Good strategy won't you think?
Eto ako ngayon, napasugod sa opisina ng mga Arguello, may hawak na bulaklak para sa dalagang ilang araw ko ng gustong makita. Dito ako sa Teahouse pinaghintay ni Mitch. May kinse minutos na akong naghihintay kay Beatriz. 'Patience is the key' bulong ko sa sarili ko.
"Lucas?" narinig kong tawag sa akin ng malambing niyang boses. Kabog kabog ang dibdib ko. Ako ba talaga eto? Not the usual me when it comes to ladies.
"Good morning Beatriz, flowers for you" bati ko sa kanya sabay abot ng bulaklak. Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata niya. Siguro iniisip na naman niya para saan 'yung bulaklak. Napansin ko ang babae sa tabi niya, parang nammukhaan ko siya.
Nagpasalamat sa akin si Beatriz sa bulaklak na binigay ko at pinakilala niya sa akin ang kasama niya. Hindi nga ako nagkamali, siya si Diana Montes ang matalik niyang kaibigan mula pa nuong highschool kami. Wala ring nagbago sa kanya, mas lalo rin etong gumanda katulad ng kaibigan niya. Gaya rin dati, madaldal pa rin eto. Sunod sunod ang mga salitang lumalabas sa bibig niya.
"I guess this calls for a celebration? What do you think B?" naputol ang pagiisip ko ng biglang narinig ko ang suhestyon ni Diana. Nakita kong siniko siya ni Beatriz at pinandilatan ng tingin. Napangiti na lamang ako.
"Very fine with me. My treat to you ladies" sagot ko kay Diana, sabay tingin kay Beatriz. Pag sineswerte ka nga naman. My plans are getting into place. Nararamdaman ko na rin na magkakaroon pa ako ng isa pang accomplice, itago na lang natin siya sa pangalang 'Diana Montes'.
Nagpaalam sila para kunin ang mga gamit nila. Lumabas naman na ako sa lobby para maghintay. Malakas ang panalangin ko na sana hindi tumangi si Beatriz at hindi rin magbago ang isip ni Diana.
Narinig naman ng Poong Maykapal ang panalangin ko dahil ilang minuto lang ay nakita ko na silang papalapit sa akin. Napangiti ako ng maluwag. 'Praise the Lord' sigaw ng puso ko.
BINABASA MO ANG
My Forever Love [COMPLETED ✔] #wattys2019
Romance"Think over of my proposal." Nakangiting sambit ng binata kay Beatriz. Yun ang paulit ulit na tumatakbo sa isip ng dalaga. Inalok siya nito ng indecent proposal o blackmail o kahit ano pa mang itawag dito ay hindi niya lubos maisip na papasukin niya...