This chapter is dedicated to my #1 kilig readers jaerolaimquiros ecreif_13. Thank you guys.
Lucas' POV
Pagkarinig ko ng pangalang Alonzo ay kumulo ang dugo ko. Sa pagkakatanda ko, isa eto sa masugid na manliligaw ni Beatriz ayon sa kwento ng kanyang sekretarya.
Alonzo, yung nagpadala ng bulaklak na tinapon ko sa basurahan.
'Sorry dude, may exclusive rights na ako kay Beatriz. Step out of the way'! Bulong ko sa isip ko.
Pagpasok namin sa malawak na sala ng mansyon ay napatingin sa amin lahat ng mga taong nandun.
Si Beatriz nauna kasunod ako na dala ang mga gamit niya.
"Hija, you're home." Masiglang niyakap ni Don Anton ang anak. "Lucas! Good to see you again." Masiglang bati naman niya pagkakita sa akin.
"Hello papa, mama" humalik si Beatriz sa kanyang mga magulang.
"Good afternoon po, tito, tita" magalang ko namang pagbati sa kanilang mag-asawa.
"Hello Beatriz." Tinig ng lalaking kanina pa nakamasid sa amin. Eto na siguro si Alonzo. "Flowers for you." Sabay abot ng bulaklak.
"Alonzo!" Tawag na pagbati ni Beatriz sa lalaking nagsalita, hindi nga ako nagkamali ng iniisip, siya si karibal. "Napadalaw ka?" Tanong niya.
"It's been awhile since my last visit so I decided to pass by before heading home to visit my parents." Paliwanag niya sabay tingin sa akin. Napansin naman ni Beatriz na nagkapalitan kami ng tingin ng kanyang bisita.
"I see, thanks for coming. By the way, Alonzo, this is my friend Lucas." Pagpapakilala niya sa akin. "Lucas, this is Alonzo, a family friend." Balik pakilala naman niya sa binata.
Nagkamay kami ni Alonzo. Pasimple kong sinipat ang mukha niya, mestisong pogi. Matangkad, at maganda rin ang pangangatawan. Hindi naman magkalayo ang physical features namin. Guwapo rin ako, matangkad pero mas maganda ang built ng katawan ko. Mas lamang ako sa kanya. At mas wagi ako dahil naka step 1 na ako kay Beatriz. A little more work and persuasion then she will be mine.
"Magpapahanda lang ako ng meryenda." Si tita Martha ang unang pumagitan sa aming tatlo.
"Lucas, halika hijo. Ipasyal kita sa aming hardin at sa palibot ng hacienda." Tawag naman sa akin ni Don Anton.
Ayoko sana iwan si Beatriz na kasama ang lalaking eto pero nakakahiyang tangihan ang butihing matanda. Alam kong paraan nilang mag-asawa eto para maiwasan ang awkward scene.
"Thanks papa." Sambit ni Beatriz sa ama. Tumingin eto sa akin at tumango, parang nakikiusap na sumama muna ako sa kanyang ama.
Tiningnan ko siya at ang kanyang bisita. Gusto ko sana sabihin sa kanya na pagsabihan na niya etong bawal na etong manligaw sa kanya pero bago pa man bumuka ang bibig ko para magsalita ay natangay na ako ng Don palabas ng hardin.
Napalingon ulit ako sa kanila bago ako sumunod sa matanda, nagtama naman ang mga mata naman ni Beatriz pero eto ang unang umiwas.
"Kumusta ang reunion niyo hijo?" Pukaw na tanong sa akin ni Don Anton.
"It was fun Tito. We all enjoyed it. We were able to raise funds for charity works."
"Good! That's what I always tell Beatriz, helping the needy is the best way of thanking God for the blessing He gives us." Nakakataba ng puso na kahit mayaman ang mga eto ay hindi nila nakakaligtaang tumulong sa ibang tao.
BINABASA MO ANG
My Forever Love [COMPLETED ✔] #wattys2019
Romance"Think over of my proposal." Nakangiting sambit ng binata kay Beatriz. Yun ang paulit ulit na tumatakbo sa isip ng dalaga. Inalok siya nito ng indecent proposal o blackmail o kahit ano pa mang itawag dito ay hindi niya lubos maisip na papasukin niya...