Chapter 5

2.6K 56 0
                                    

Dahil puyat dahil sa bonding nilang magkaibigan, late na nagising ang dalaga.

Naalala na nman niya ang walang sawang kwentuhan nila ng kaibigan ng kung ano anong usapin. Lagpas ala-una na ng madaling araw sila natulog.

Pinaka-sentro ng usapan nila ay ang nalalapit na reunion nila. Hindi pa niya nababasa ang buong email para sa detalye pero nabigyan na siya ng overview para sa event.

Umaalingaw ngaw pa sa isip niya mga paulit ulit na sinabi ng kanyang kaibigan.

"Ms Averie Beatriz Milagros Arguello, makinig kang maigi. Listen up girl" pangungulit ni Diana. Pag tinatawag siya nito sa buong pangalan niya, for sure, seryoso na eto.

Paulit ulit nitong idinetalye sa kanya ang mga nakalahad sa invitation. At ang pinaka-pumukaw sa atensiyon niya ay nag pagdidiin ng kaibigan.

BRING YOUR PARTNER. (husband/boyfriend or wife/girlfriend)

Naisip niya baka joke time na naman eto ng kaibigan. Hindi siya kakagat sa kalokohan nito. Babasahin niya ng mabuti ang invitation saka siya mag-dedesisyon kung pupunta siya sa naturang event o hindi. Syempre ayaw naman niya magmukhang "loner" sa okasyon.

Bigla siyang bangon. Alas otso na ng umaga. Tanghali na siya sa pagpasok sa opisina. Kahit pagod at maraming ginagawa, bihira lang eto tanghaliin ng pasok.

Paglabas niya ng kuwarto ay may almusal ng nakahanda sa mesa.
Meron siyang stay out na kasama. Tagaluto, linis ng bahay at tagalaba. Eto rin ang pinagkakatiwalaan niya sa condo pag nangingibang bansa siya.

"Morning yaya ising, tanghali na ako sa trabaho" bati niya dito.

"Morning Beatriz, nakahanda na lahat para di ka magahol sa oras. Pinunasan ko na rin yung kotse mo" anang matanda.

"Naku 'ya, hindi na kasama sa trabaho mo yun. Maraming salamat pa rin. Sa sunod wag mo na yun punasan para di ka mapagod."

Pagkatapos niya mag-almusal ay bumalik siya sa kanyang kwarto para mag-ayos na sa pagpasok sa opisina.

Pinili niya ang white floral design na off shoulder dress pinaresan niy ng beige colored heels. Naglagay siya nga konting make-up at nilugay lang ang buhok.

Sumulyap pa siya sa salamin para sa final touch bago nito kinuha ang bag, macbook at planner saka eto lumabas ng kwarto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sumulyap pa siya sa salamin para sa final touch bago nito kinuha ang bag, macbook at planner saka eto lumabas ng kwarto.

Naabutan niya ang kaibigan sa kusina na kumakain na rin ng almusal.

"D, I have to go ahead. Maraming kailangan ayusin sa opisina. Kung ano kailangan mo just go inside my room to check."

"You're so workaholic Beatriz. Sarili mo ang kumpanya, you have all the privileges to do what you want. You're killing yourself. Wala ka pa namang pamilya na binubuhay. Asikasuhin mo naman ang lovelife mo" panenermon ng kaibigan.

Tinamaan na naman siya sa sinabi ng kaibigan. Parang napapadalas na ang usaping pag-ibig sa buhay niya lately. Napapailing na lang siya.

"We have hundreds of employees na umaasa sa amin D. At ayoko masira ang tiwala ng magulang ko sa akin. My heart can wait. Kapag niligawan na ako ni Harry Styles, pakakasalan ko siya agad agad" sagot niya sabay ngiti.

Pag nababangit ang ultimate crush niya, isa yun sa nagpapasaya ng araw niya. 

"Whatever! Hintayin mo yang Harry Styles mo na matauhan at mapansin ka. How I wish, bago ang reunion ay maging boyfriend mo na siya para may maipakilala ka naman sa madlang people sa reunion" pangungutya ng kaibigan.

"In my dreams. I'll work on that Ms Montes." nakangiting sagot niya sabay halik sa pisngi ng kaibigan. Nagpaalam na sila sa isat isa.

Yes. Great fan siya ng One Direction. Lahat ng kanta ng mga eto ay alam niya. Umiyak din siya nung nagkahiwa-hiwalay ang mga eto dahil nataon pa sa Asian Tour nila eto nangyari. Lahat ay crush niya pero si Harry Styles ang pinaka-hinahangaan niya. Bangitin mo lang pangalan ng singer at non stop na siyang magkukwento tungkol dito.

Nakangiti pa rin siya na nagmamaneho papuntang opisina. Pinatugtug  niya ang paborito niyang One D songs, sinabayan pa niya ang mga kanta.

Great way to start her day.

__________________________________________

hugs & kisses :)

jrf😍




My Forever Love [COMPLETED ✔] #wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon