Chapter 29

1.5K 47 0
                                    

Beatriz' POV

Masaya ang aming mahabang byahe pabalik ng Maynila dahil naayos namin ang tensyon sa pagitan namin ni Lucas. Ikinagaan ng loob ko dahil siya mismo ang humingi ng dispensa.

Hindi ko lubos maisip muntik na niya akong mahalikan sa labi. Kung hindi ako umiwas, baka kung saan pa napunta ang isang halik.

Hindi ko itatangi na gusto ko si Lucas at aaminin ko nahuhulog na ako sa kanya, pero kailangan ko pa ring pangalagaan ang sarili ko.

"Love, malapit na tayo sa city. Guide me the way to your place." Napukaw ang atensyon ko sa pagiisip nung marinig ko ang boses niya dahil pinahinaan na niya ang tugtug.

"Is it okay if you drop me by at Diana's place? I promised to check on her once I get home." Pakiusap ko. Inilaan ko ang araw na eto para puntahan ang kaibigan ko. Nagsabi na ako sa sekretarya ko na hindi ako papasok ngayong araw.

"Sure, no problem. What is the address, I will navigate it." Pansin ko sa kanya isa siyang great fan ng waze.

Pagkaraan ng trenta minutos ay narating namin ang subdivision nila Diana. Dalawang pindot lang ako ng door bell ay pinagbuksan naman niya kami agad ng pinto. Nagulat ako sa hitsura niya.

"My God Diana, anong nangyari sa 'yo?" Bungad kong tanong. Wala sa ayos ang itsura niya, mukhang umiyak eto magdamag dahil namamaga ang kanyang eyebags.

Hindi eto nagsalita at bigla lang niya ako niyakap sabay iyak.

"Beatriz..." pag-uumpisa niya na hindi madugtungan ang salita dahil sa paghikbi, "Gerald and I broke up...." mas lalo pang lumakas ang iyak niya, sabay dugtong ng "for good!" Ngayon hindi na lang siya umiyak kung hindi humagulgul na.

"Calm down Diana. Come take a seat first." Pang-aalo ko sa kanya. 

Pagkaupo namin ay napaangat naman ng tingin si Diana, napukol ang mata niya kay Lucas. Kahit si Lucas din ay parang nahihiya sa kanyang presensya dahil sa sitwasyon.

"Sorry ladies. I can stay outside." Pagkasabi niya yun ay akmang tatalikod na siya pero pinigil siya ni Diana.

"It's okay Lucas. Just stay here. I need a friend now." Kalmado na ang boses ni Diana pero tuloy pa rin ang agos ng luha niya.

Hindi naman sumagot si Lucas, tumango lang eto at saka tahimik na umupo. Para naman siyang isang tunay na kaibigan na handang makinig. Nagkatinginan kami at nakita ko ang simpatya sa mga mata niya para sa aking kaibigan.

"What happened?" Tanong ko kay Diana.

Sa pagitan ng iyak at paghikbi ay naikwento naman niya ang nangyari. Buong tenga lang kaming nakinig ni Lucas. 

"He's not a big loss Diana. He is damn idiot of letting you go. Marami pang iba dyan. Maganda ka, matalino, a lady of the hour. Maraming naghahabol sa 'yo. Just forget him." Pampalakas ko ng loob niya. Bagamat lahat naman eto ay totoo.

Sabi ko na nga ba, hindi talaga mapagkakatiwalaan yung lalaking yun. 

"Thank you for always being here for me B. You're right, he is not worth my time and love." Yumakap ulit siya sa akin. "Sorry Lucas for seeing me like this." Baling naman niya kay Lucas.

"We will always be here for you Diana. We are your friends." Sagot naman ni Lucas na ikinatuwa ko dahil tinuturing din niyang kaibigan ang matalik kong kaibigan. 

"Don't grieve over that guy Diana, he is not really worth it." Pagalit pero mahinahon kong sabi. Ayokong kaawaan ang kaibigan ko, as a matter of fact, I am happy for her because fate made a way to separate her with that guy. I don't see good things in Him. 

My Forever Love [COMPLETED ✔] #wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon