Songs for this chapter:
Beautiful in my Eyes version of Jericho Rosales
When You Say Nothing at All by Ronan Keating-----------------
This chapter is dedicated to ZoeyQuintos DivineFernandez3 loristky ecreif_13
Thank you guys. Love you.~♡~♡~♡~♡~♡~
Beatriz' POV
Pagbaba namin ni Lucas sa event area ay laking gulat ko dahil hindi ko inaasahan na ganun karaming tao ang dadalo. Inikot ko ang mata ko at makikita mong kasapi sa alta sociedad ang mga eto.
"Lucas, Beatriz, finally you're here." Tawag pansin sa amin ng kanyang ina.
Inakay ako ni Lucas para lumapit sa kinaroroonan nila.
"Perfect couple. You compliment each other." Turan naman ni tito Trent, ang kanyang ama.
Nagkatinginan kami ni Lucas, mababakas sa mukha niya ang kaligayahan. Sa sobrang tuwa ay hinalikan niya ako sa pisngi.
"Thanks mom, dad." Masiglang sagot niya sabay hawak sa kamay ko.
"Thank you tito, tita." Nahihiyang sagot ko sa kanila.
"We'll leave you two. We'll just hang around with the other guests." Paalam ni tita Lucille.
Pagkaalis nila ay pinaupo ako ni Lucas.
"I'll just get us some drinks." Nagtungo siya sa bar area.
Pagbalik niya ay may dala na etong mga inumin. Pero may nakasunod dito na isang babae. Maganda, sexy at sopistikada.
Pag-upo ni Lucas ay biglang nagsalita ang babae.
"Hi Lucas. Nice to see you." Malanding bati nito.
Napaangat ng ulo si Lucas at parang nagulat siya.
"Adriana?"
Nakatingin lang ako sa mga reaksyon nila. Kalmado muna ako, ayoko magisip agad ng kung anu ano.
Tumayo si Lucas at nabigla eto nung lumingkis sa kanya ang babae. Tumingin sa akin eto at may nabakas akong takot sa mga mata niya. May dapat ba akong malaman? Nabasa niya siguro ang tanong sa mga mata ko kaya bigla siyang kumalas sa babae.
"Adriana, meet my girlfriend, Beatriz."
"Love, this is Adriana, a family friend." Pakilala niya sa akin sa babae.
Pagkatayo ko ay inakbayan ako ni Lucas. Napansin ko naman ang pinakilalang Adriana na naningkit ang mga mata.
Selos siya? May kailangan kang ipaliwanag sa akin mamaya Lucas, sigaw ng utak ko.
"I never thought this day would come Lucas. Ang tagal kitang hinintay, yun pala, naghintay ako sa wala." May bahid pagtatampo sa boses niya. "Anyways, congrats Beatriz. You are lucky 'coz you got my gem." Baling nito sa akin at mauulinigan ang kanyang sarkastikong tinig.
Nginitian ko lang siya pero hindi na ako nagsalita. Wala akong tiwala sa boses ko sa mga oras na eto. Baka maulinigan nila ang galit dito.
Bago eto umalis ay humalik muna eto sa pisngi ni Lucas na nagiwan ng bakas ng lipstick. Lalo akong nakadama ng ngitngit sa sarili.
Tiningnan ko ang babaeng umalis saka inilipat ang naniningkit kong mata kay Lucas.
"Love, she is just a friend, nothing more." Paliwanag niya agad sa malambing na boses. Guilty?
BINABASA MO ANG
My Forever Love [COMPLETED ✔] #wattys2019
Romance"Think over of my proposal." Nakangiting sambit ng binata kay Beatriz. Yun ang paulit ulit na tumatakbo sa isip ng dalaga. Inalok siya nito ng indecent proposal o blackmail o kahit ano pa mang itawag dito ay hindi niya lubos maisip na papasukin niya...