Beatriz' POV
Pagbalik ko sa opisina galing bakasyon ng Miyerkules ng umaga, tumambad sa akin ang tambak ng trabahong naghihintay sa akin. Hindi ko alam ang uunahin ko. Napabuntong hininga na lamang ako.
Buti na lang nasa kundisyon na ang utak at katawan ko. Sa apat na araw kong pamamalagi sa hacienda, nailaan ko ang oras ko sa aking magulang. Naipagluto ko sila, nakapag-bonding kami sa panunuod ng mga movie na gusto nila. Nakawabawi naman ako mula sa hiling nila na bigyan sila ng quality time.
Tiningnan ko ang mga notes na nilagay ng sekretarya ko sa aking lamesa. Maraming naghanap sa akin sa dalawang araw na wala ako. Karamihan dito ay mga tawag mula sa mga supplier, mga malalaking kumpanya na mga kliyente namin at huli sa listahan si Lucas. May problema kaya?
Tinawagan ko si Hero para alamin ang progress ng baong proyekto namin, wala naman daw problema. Positive feedback naman ang mga binibigay ng Grandeur Firm Corp sa project namin.
Nagsisimula na akong magtrabaho nang bilang dumating si Diana sa opisina ko.
"Thank God, you're back. I'm just around the area so I decided to pay you a visit. Musta sina tito at tita? Hope everything is okay?" bungad niyang sunod sunod na tanong sabay yakap sa akin.
"Yeah, they're both doing good. I just have to spend a little time with them. You know? They all create dramas when I don't give them quality time" pagpapaliwanag ko sa aking kaibigan.
"Buti naman naisipan mo rin bigyan ng time ang magulang mo at ang sarili mo." Napataas lang ang mga mata ko. Alam ko na namang magsisimula na naman etong manermon.
"Beatriz, what is your say about the incoming reunion. It will be happening in two weeks time" pagiiba niya ng usapan. Napatingin ako sa kanya na di makapaniwala. Hangang ngayon talgang seryoso pa rin siya sa usaping yun.
Hindi nga eto nagbibiro nung sinabi niya sa akin na pwede magdala ng kapartner o kasama. Binasa ko ng mabuti ang imbitasyon. So paano kapag walang madadalang plus one? Wala ako intensyon na pumunta sa naturang event.
"I have no plans to attend" maikling sagot ko.
"No way! Are you kidding me? This happens once in a blue moon. We should go" pagkukumbinsi niya sa akin. Di niya ako makukumbinsi na pumunta.
Napukaw ang atensyon namin sa sa may pinto nang biglang kumatok ang sekretarya ko.
"Maam, Engr. Saavedra is here. He wants to see you. Should I let him in?" pagbibigay niya ng impormasyon.
"Just let him wait at the tea house. I will be there in a while" utos ko.
Oh no! Bakit sabay sabay ang pagdating ng mga tao sa opisina ko. Una ang makulit kong kaibigan, ngayon naman, ang lalaking hindi nawawala sa isip ko.
Napalingon ako sa kaibigan ko na nakatitig sa akin tila ba may gustong sabihin at malaman. Hindi ko sana papansinin pero naunahan niya ako.
"Engr Saavedra? Not the same with the Saavedra we know ten years ago, right?" tanong niya na may bahid pagdududa. Di ko alam ang isasagot ko. Mahabang paliwanagan eto.
"I will explain to you later D. Just stay here and wait for me okay?" pakiusap ko sa kanya. Pero parang walang plano eto na makinig sa akin.
"Wait! Is this a confirmation that he is the same Mr Saavedra I'm referring to?" napatango lamang ako. Wala na akong maitatago pa. Andito na sila pareho. Hindi ko alam saan patungo etong tagpong eto.
God. Just my luck. What a day!
"Time to meet lover boy...." makahulugang sabi nito na may ngiti sa labi. Nakakalokong ngiti. Hinila na niya ako papunta sa kinaroroonan ng naghihintay na bisita.
Pagpasok namin sa kwarto na kinaroroonan ni Lucas ay nakatitig eto sa kanyang cellphone. May bulaklak eto sa harapan niya.
Siniko ko si Diana, senyales na paunahin niya akong magsalita dahil kung hindi, mala-armalite na naman etong magdadaldal.
"Lucas?" tawag pansin ko sa aking bisita. Napaangat eto ng tingin.
"Good morning Beatriz, flowers for you" sabay abot niya sa bulaklak na dala niya. Para saan na naman kaya ang bulaklak na eto. Isang pasasalamant ulit?
Naramdaman ko naman ang pagsiko ng kaibigan ko sa akin. Iniwasan ko mapatingin sa kanya, alam ko na nman ang iniisip niya.
"Thank you! By the way, this is Diana Montes, my bestfriend. Diana, meet Engr. Lucas Trent Saavedra" pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.
"Oh my God! It's really true. Ikaw nga si Lucas? What a small world. Do you still remember me? Wow! It's been 10 years." tuloy tuloy na daldal ni Diana. Panay ang siko ko sa kanya pero wala siyang balak na manahimik.
"Yes, I still remember you Ms Diana Montes. How are you doing? Nice seeing you after all these years. You still look beautiful, same as your bestfriend" sabay tingin sa akin. Great! Just my day, really!
"I can't really believe this! Just call me Diana or D. So how come the two of you meet again?" masiglang tanong niya. "My bestfriend here is so secretive" pagsisiko na naman niya sa akin. I have to check my limbs later, siguro may 'kalyo' na eto, panay sikuan naming magkaibigan.
"We will be handling their new project" maikling sagot ni Lucas.
"Oh I see" maikling sagot din ng kaibigan ko na unti unting tumingin sa akin ng may kahulugan.
"I guess this calls for a celebration? What do you think B?" gusto ko ng tuktukan ang babaeng eto. Talagang hindi matahimik sa kakasalita. Pinandilatan ko lang siya ng tingin.
"Very fine with me. My treat to you ladies." putol ni Lucas sa titigan naming magkaibigan.
Magsasalita pa sana ako bilang pagtangi pero naunahan na naman ako ng kaibigan ko.
"Great! We will just get our things then we'll go." Humanda ka sa aking babae ka. Walang tulak kabigin ang bibig mo, sigaw ng utak ko.
Pagpasok namin sa opisina ko ay di ako nakatiis.
"Are you out of your mind? Ano bang naisip mo at ikaw pa ang nag-udyok para sa celebration na yan?" hindi niya ako pinansin.
Basta hinalikan na lang niya ako sa pisngi at niyakap. Parang assurance niya na ,'I got your back girl, just trust me'!
Kinuha niya ang cellphone ko at bag niya sabay hila sa akin palabas ulit.
Nadatnan na namin si Lucas sa may lobby na naghihintay. Malaki ang ngiti.
____________________________________________________________________
Thank you for your support.
Please don't forget to: VOTE! COMMENT! SHARE!
hugs & kisses :)
jrf😍
BINABASA MO ANG
My Forever Love [COMPLETED ✔] #wattys2019
Romance"Think over of my proposal." Nakangiting sambit ng binata kay Beatriz. Yun ang paulit ulit na tumatakbo sa isip ng dalaga. Inalok siya nito ng indecent proposal o blackmail o kahit ano pa mang itawag dito ay hindi niya lubos maisip na papasukin niya...