A relationship is like a house. When a light bulb burns out, you do not go and buy a new house, you fix the light bulb.
~relatableblog.com~♡~♡~♡~
Beatriz' POV
Nagulat ako sa mga nabitawan kong salita. Bugso ng damdamin kaya ako nakapagsalita ng ganun sa aking asawa.
Hangang ngayon ay umaalingawngaw pa rin sa isip ko ang mga salitang 'man-whore'.
Alam ko sobrang babaw ng pag-iisip ko, dapat hindi ako nagpadala sa aking galit.
Hindi ko namalayang nakatulog na ako sa pagiisip at pag-iyak, walang katapusang pagiyak.
~~~
Pagbangon ko kinabukasan ay si nanay Flor ang nagdala ng pagkain ko.
Nalungkot ako dahil inaasahan kong si Lucas ang gagawa nito. Mula nung nandito kami sa hacienda ay siya lahat ang nag-aasikaso sa akin.
"Beatriz, kain ka na anak. Pinaluto sa akin ni Lucas etong danggit para sa almusal mo." Lambing niya sa akin.
"Salamat nanay Flor."
Nilapag niya ang pagkain sa kama ko. Ang bango ng danggit, nanuot sa ilong ko.
"Nanay, mmmm.... si... Lucas po?" Nahihiyang tanong ko sa kanya.
"Hindi ba nagpaalam sa iyo?" Umiling ako bilang pagsagot. "Sasaglit lang daw siya sa Maynila, may kailangan siyang ayusin dun, pero babalik din daw agad."
Bigla akong nalungkot.
Natakam ako sa danggit pero nawalan na ako ng ganang kumain.
"Nanay Flor, pakisabi po kay Mang Nestor punta kami sa bayan. May kailangan lang po akong bilhin."
"Kaya mo na ba anak?"
"Opo, malakas na po ako. Para mapanatag po kayo samahan niyo na lang po ako."
"Sige, ipahanda ko na ang sasakyan." Masiglang sagot niya sa akin.
Pagkatapos mag-ayos ay bumaba na ako, nadatnan ko ang aking magulang na nasa sala.
"Morning papa', mama." Bati ko sa kanila sabay yakap at halik sa pisngi.
Natuwa naman sila pagkakita sa akin dahil nanunumbalik na ako sa dati.
"Morning hija. Nabangit ni Flor, alis daw kayo?" Ang aking ina ang unang nagtanong.
"Yes mama. Saglit lang po kami, may kailangan lang akong bilhin."
"Bueno, mag-iingat kayo." Ang aking ama ang nagbigay ng basbas.
Agad kaming umalis nina Nanay Flor at Mang Nestor.
Una kaming dumaan sa simbahan. Habang papasok sa loob ay nanumbalik sa alaala ko ang kasal namin ni Lucas kung saan dito ginanap.
Umalingawngaw sa utak ko ang sumpaan naming dalawa, ang mga pangako namin sa isa't isa at ang payo ng pari sa pagpasok sa buhay ng mag-asawa.
Yumuko ako, lumuhod at nagdasal. Kinausap ko ang Diyos. Humingi ako ng tawad sa aking mga inasal at karupukan dahil naniwala ako sa ibang tao. Humingi ako ng gabay at lakas ng loob para harapin ang pagsubok na pinagdadaanan naming mag-asawa.
Paglabas ng simbahan ay para akong nabuhayan ng loob. Gumaan ang pakiramdam ko dahil nailabas ko lahat ng saloobin ko sa Panginoon.
Sunod kaming nagtungo sa SM Lipa, isang oras ang byahe mula sa hacienda pero hindi ko alintana eto, may gusto akong bilhin na importante.
BINABASA MO ANG
My Forever Love [COMPLETED ✔] #wattys2019
Romance"Think over of my proposal." Nakangiting sambit ng binata kay Beatriz. Yun ang paulit ulit na tumatakbo sa isip ng dalaga. Inalok siya nito ng indecent proposal o blackmail o kahit ano pa mang itawag dito ay hindi niya lubos maisip na papasukin niya...