Chapter 36

1.5K 52 1
                                    

A relationship with no arguments is a relationship with a lot of secrets.
~Anonymous

~~~~~~~~~~~~~~~

Lucas' POV

Kalmado na ang kalooban ko sa buong maghapon, nawala na ang iritableng mood ko kanina dahil sa hindi magandang paghihiwalay namin ni Beatriz kaninang umaga. Alam ko nagtatalo kami sa isang bagay na pwede namang pag-usapan ng maaayos, matigas lang talaga ang ulo niya. Inaamin ko, ayoko ring magpatalo pero kailangan naming ayusin eto ngayong parehas na kaming nakapagpalamig sa argumento. 

Sobrang miss ko na rin siya kaya nagmadali akong umalis ng aking opisina para maaga akong makapagsundo sa kanya.

Pagdating ko sa opisina niya ay nagbago lahat ng positive vibe na nararamdaman ko nung makita ko na may kausap siya, ang isa sa mga pursigidong karibal ko sa atensyon niya. Lalong nag-init ang ulo ko nung makita kong hawak niya ang kamay nito. At, nakangiti pa silang pareho sa isa't isa. 

"B-e-a-t-r-i-z!" Tawag ko sa kanya. Natigilan eto nung narinig ang boses ko. 

Agad akong lumapit sa kinaroroonan nila. Hahalik sana ako sa pisngi niya pero sumakto eto sa paglingon niya kaya dumampi ang labi ko sa nakabuka niyang bibig, imbes na dampi lang, itinuloy ko na sa halik. For the show. Gusto ko ipakita kay Alonzo na wala na siyang hahabulin pa dahil pag-aari na eto ng iba.

Pagkahiwalay ng aming mga labi ay nakita kong nanlaki ang mga mata ni Beatriz. Tinitigan ko naman siya ng may babala, nagpapahiwatig na, 'don't you dare move away from me'. Sabay pulupot ng aking kaliwang kamay sa beywang niya. 

"Beatriz, I'll go ahead. Lucas, nice to see you again dude." Si Alonzo ang pumukaw sa atensyon naming dalawa. Tumango lang ako sa kanya pero walang bahid na emosyon. 

Nakatitig siya sa mga kilos namin. Good! He should know how to read between the lines. 

"Thank you Alonzo for the information, if you need anything, just give us a call." Sagot ni Beatriz dito, namumula ang mga pisngi. Alam ko ayaw niya ng PDA pero nangibabaw ang selos na nararamdaman ko. 

Inihatid namin eto ng tanaw hangang sa pagsakay niya sa elevator. Pagkasarang pagkasara ng elevator ay agad kong tiningnan ang paligid kung may ibang tao, nung wala akong makita, agad akong nagsalita.

"What is he doing here?" Matigas kong tanong kay Beatriz. Naramdaman kong tinangal niya ang kamay ko na nakapulupot sa beywang niya. Pinabayaan ko lang, tutal tapos na ang palabas. 

"Lucas, not here." Matigas rin niyang sagot na tumingin sa akin ng matalim. "I'll just get my things." Pagkasabi niya yun ay tumalikod na siya para kunin ang mga gamit niya. 

Hindi ko siya sinundan dahil ayoko makipagtalo. Kumukulo ang dugo ko sa mga nakita ko. Ewan ko pero hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa Alonzo na yun. Dahil siguro alam kong isa eto sa mga hindi sumusuko na makuha ang matamis na 'oo' ni Beatriz. 

Pagkaraan ng limang minuto ay lumapit na sa akin ang hinihintay ko. Walang imik at halatang naiinis. Ano ang ikinakagalit niya? Na hinalikan ko siya sa harap ng taga-hanga niya? Ikinahihiya ba niya ako? God! Praning na ako kung praning. 

Walang imikan at nagpapakiramdaman lang kami pero kita ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Pagdating namin sa parking lot ay agad ko siyang pinagbuksan ng pinto, mabilis naman  akong sumakay  sa driver side at agad ko etong pinaandar.

"Anong ginagawa ng Alonzo na yun dito?"  Ako ang unang nagsalita. 

"Meeting?" Sarkastiko at maikling sagot niya na nakatingin sa labas ng bintana niya. Lalo lang na ikinainit ng ulo ko, ano eto, isang tanong isang sagot?

My Forever Love [COMPLETED ✔] #wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon