“Nurse! Nurse Ide! Paki-asikaso muna itong batang may sugat sa ulo, please,” agad na tumalima si Idelaide Famini nang marinig ang pagtawag ng co-worker niyang si Nurse Maryam. Ito ang pinakabagong miyembro ng medical family nila. Matanda ang babae ng tatlong taon sa kaniya.
“Kailangan kasi nila ng scrub nurse sa Emergency Room. May pasyenteng tinamaan ng ligaw na bala at kailangang operahan. Need nila ako doon,” dugtong pa nito habang isinusuot ang kulay green na operating uniform.
“Sure, no problem Nurse Maryam. Pumunta ka na doon. Ako na ang bahala dito,” nginitian niya ito at kinuha ang tray niyang may cotton, gauze, betadine, at medical tape.
“Thanks, girl,” at nagmamadaling tinungo ni Maryam ang ER habang siya naman ay dumiretso sa batang nakaupo sa waiting area at dumudugo ang ulo. Gwapo ang batang iyon, ngunit nakakunot ang noo nito at mukhang iritado. Siguro ay dahil sa kanina pa ito naghihintay ng matagal.
“Hey, big boy,” pagtawag niya sa atensiyon nito. Nag-angat naman ito ng tingin sa kaniya ngunut hindi ngumiti. Para bang hinihintay ang mga susunod niyang sasabihin.
“Ako si Nurse Ide, gagamutin ko ang sugat mo,” naupo siya sa tabi ng bata at sinimulang asikasuhin ang bulak na may betadine. Nang idikit niya iyon sa ulo ng bata, bahagya itong nag-flinch.
Hindi naman ganoon kalaki ang sugat nito. Kaya nga lamang ay kailangan niyang maampat ang pagdudugo niyon.
“Masakit ba?” tanong niya. “ Gusto mo ng candy para ma-divert ang atensyon mo?”
Umiling ang bata.
“Hindi po masakit. Nagulat lang ako,” sagot nito.
“Ah, okay. Ano bang pangalan mo? Tsaka bakit ka nagkasugat sa noo?”
“Jion Amius Alejandro,” nanahimik ito at bahagyang naging mailap ang mga matang kulay hazel brown. Sa unang tingin ay mukhang may lahing banyaga ang bata, ngunit hindi siya sigurado.
“Lagot ako kay Mamay, kasi nakipag-away ako.”
Mamay? Siguro ito ang tawag ng bata sa nanay nito. Ang sweet naman.
“Kung di mo kasama ang Mamay mo dito, sino ang kasama mo ngayon dito?” hindi niya mapigilang itanong.
“Yung teacher ko po, na tita ko din. Nasa labas po siya, tinatawagan si Mamay,” nilukob sila ng matagal na katahimikan hanggang sa natapos na niyang asikasuhin ang sugat nito.
“Ayan, okay na,” nakangiting turan niya nang matapos mabendahan ang sugat nito. Isa-isa niyang ibinalik sa tray ang mga gamit niya. “Sa susunod, wag ka na makipag-away ha,” akmang tatalikuran na niya ito.
“Ahm, Nurse Ide,” muli siyang napalingon sa bata.
“Bakit, big boy?”
“Tingin mo magagalit sakin si Mamay?”
“Alam mo, Jion, sigurado ako na kapag nakita ka ng mamay mo, mas mauuna ang pag-aalala niya. Kung ako sayo, just tell her the truth okay?” hindi niya alam kung naiintindihan ba siya nito, ngunit alam niyang matalino ang batang ito. “Alam kong maiintindihan ka niya,” kinindatan pa niya ito.
The boy sighed then smiled. Guwapo nga ito lalo na kung nakangiti. Ang cute cute.
“Salamat po, Nurse.” She smiled back. Maganda ang pagpapalaki sa batang ito. Kailan ba siya huling nakarinig ng batang nagpapasalamat? Hindi na niya maalala.
“Halika,” pag-aya niya dito. “Samahan muna kita sa isa sa mga kuwarto. Doon ka muna magpahinga habang hinihintay ang teacher at Mamay mo.”
BINABASA MO ANG
ERASTHAI SERIES BOOK 2: No Ide, No Entri (COMPLETED)
General FictionJameson Ramirez promised to love his first love to his grave. And when she went missing, he bowed to find her and never to love any other woman than her. He treated women like cars. Pwedeng gawing koleksiyon. Madaling bilhin, madaling palitan. But w...