Napabalikwas ng bangon si Idelaide. Agad hinanap ng mga mata niya si Jameson. But she realizad that Jameson didn't come home last night. Bagsak ang mga balikat niyang bumangon papuntang banyo para maghilamos at magmumog.
Napatitig siya sa repleksyon niya sa salamin. Bakas pa ang mga natuyong luha sa mga mata at pisngi niya. She cried all night while waiting for him. Nagawa pa niyang hanapin ang sariling sim card na anim na buwan niyang hindi ginamit at tinengga sa loob ng sling bag niya sa takot na tawagan siya ng binata.
Ngunit ngayon, siya na ang natatakot na baka hindi na nga siya talaga tawagan ng binata. Hindi na nga niya namalayan na nakatulog na pala siya kagabi matapos niyang tawagan ito ng makailang beses na hindi rin naman nito sinagot.
Matamlay niyang tinungo ang pinto para sana bumili ng tinapay sa pinaka malapit na bakery. She doesn't feel like cooking. Dahil wala rin naman doon ang binata para sabayan siya. Funny, nakatagal siya ng anim na buwan nang walang kasabay kumain. Pero ngayon na nagkita na muli sila ng binata, she doesn't feel like eating alone.
Ngunit ganoon na lamang ang pagkagulat niya matapos buksan ang pinto. She gasped at what she saw.
What is this?
Napakaraming maliliit na paso ng bonsai na calachuchi sa buhanginan sa tapat mismo ng bahay niya. Bawat paso ay may mga nakasulat na mga number mula 1 hanggang 185. At nakaporma ang mga iyon ng...
'Will you marry' at malaki iyon. So sobrang laki ay umabot pa iyon sa tapat ng bahay nina Pursue.
Could it be...? Jameson!
Agad na hinanap ng mga mata niya si Jameson, at nagtagpuan niya itong nakahiga sa buhanginan sa dulo ng mga paso ng calachuchi.
Lakad takbo niyang tinungo ang kinaroroonan nito.
Parang hinaplos siya ang puso niya nang makita ang hitsura nito. Nakabaluktot itong nakahiga sa damuhan na para bang nilalamig. Naalala niyang ibinigay pala nito sa kaniya ang jacket nito kagabi.
At ang mga braso nito ay may yakap ding maliit na paso na may nakasulat na 'me?'. Sa ibabaw niyon ay hindi calachuchi ang nakalagay, kundi isang pulang velvet box na may napakagandang singsing.
Her heart nearly stopped beating. Unti-unting tumulo ang luha niya dahil sa kasiyahan.
Hinubad niya ang suot na pangginaw at kinumot iyon sa binata. Pagkatapos ay humiga din siya sa buhanginan.
Kinuha niya ang singsing at isinuot iyon sa daliri niya. It looks pretty on her finger. Kasyang-kasya iyon at bagay na bagay.
He looked tired. May mga kaunting buhangin na ito hanggang sa buhok. Marahan niyang hinaplos ang buhok nito.
Akala niya ay galit ito at hindi na babalik, ngunit heto at niyayaya na siya nitong magpakasal.
Unti-unti itong nagmulat ng mga mata nang maramdaman ang marahang paghaplos niya sa buhok nito.
"Hey," nakangiting bati niya dito habang patuloy pa din sa pag-agos ang mga luha niya.
Agad na namilog ang mga mata nito nang makita siya. "Honey."
Napabalikwas ito ng bangon. Bumangon din siya at dinamba ito ng yakap. Mahigpit naman siya nitong niyakap pabalik at iniupo siya sa mga hita nito.
"Nakakainis ka. Akala ko iniwan mo na ako. Nag-alala ako sayo. Hinintay kita. Hindi ka umuwi kagabi," she cried on his shoulders.
Marahan naman nitong hinaplos ang likod niya. "Shh. I'm sorry that I got you worried. Narinig ko kasi kagabi na nami-miss mo na ang mga calachuchi mo, so I got the idea on how I will propose to you. Inalagaan ko ang mga halaman mo for the past six months. Iniisip ko na you'll be proud of me once you see how well your baby plants are doing. Sorry kung inaway kita kagabi. Hindi naman totoo yun, hindi ako galit sayo. I can never be mad at you."
BINABASA MO ANG
ERASTHAI SERIES BOOK 2: No Ide, No Entri (COMPLETED)
Ficción GeneralJameson Ramirez promised to love his first love to his grave. And when she went missing, he bowed to find her and never to love any other woman than her. He treated women like cars. Pwedeng gawing koleksiyon. Madaling bilhin, madaling palitan. But w...