A/N: Mobile update, may typo.
Iritado pa din si Ide habang inaayos ang mga pinamili niya sa kitchen. Ang walanghiyang lalaking yon. Mas lalong nakadagdag sa pagkairita niya ang pangungulit ni Lawrence. Paulit ulit ito sa pagtatanong ng ‘So you'll still insist that nothing happened yesterday, huh.’
Kaya naman bago pa niya tuluyang maputol ang dila nito sa pang-aasar sa kaniya ay pinauwi na niya ito pagkatapos siyang maihatid pati ang mga pinamili niya.
Nasa ganoong estado siya nang sunod sunod na katok ang nagpa-ingay sa kaniyang pintuan. Kumunot ang noo niya dahil sigurado siyang nakauwi na si Lawrence at mas lalong hindi iyon isa sa mga kapit bahay niya dahil wala naman siyang kapit bahay.
At dahil wala namang peephole ang pintuan niya ay sa bintana niya sinilip kung sino ang nasa labas. Namilog ang mga mata niya nang makitang ang Jameson Ramirez na iyon ang nakatayo sa harap ng pintuan niya at walang habas iyong kinakatok. At paano naman kaya nalaman ng hudyong ito ang apartment niya?
Hmp! Manigas ka dyan! Inayos niya ang hinawing kurtina at akmang babalik na sa kusina nang mas lumakas pa ang pagkatok nito.
“I saw you on the window, Idelaide! Are you going to open the door or I will open it myself. Choose!” tumalim ang mga mata niya at nagma- marchang tinungo ang pinto.
“Umalis ka na!” sigaw niya pabalik dito. Mabuti talaga at wala siyang kapitbahay, wala siyang mabubulahaw kahit magsisigaw siya doon.
“So you are choosing the ‘I will open it myself’ huh,” inis niyang binuksan ang pinto ngunit maliit lamang ang puwang niyon.
“Leave me alone,” ngumisi lamang sa kaniya ang binata at itinaas nito ang kamay kung saan hawak ang sling bag niya.
Nag-isang linya ang kilay niya. Sinubukan niyang abutin ang sling bag ngunit agad iyon inilalayo ni Jameson.
He gave her a loop sided smile bago umiling- iling, “Nah ah. Not until you open the door wide, honey. Oh, and your legs too.”
Honey. There goes his endearment again. Hindi na lamang niya pinansin ang huling sinabi nito.
She sighed in defeat. Niluwagan niya ang pinto, sapat lamang para makapasok ito. Mapang-asar pa itong tumango- tango sa kaniya bago pumasok sa apartment niya.
Prente itong umupo sa sofa niya habang inililibot ang tingin sa buong apartment. She rolled her eyes. This man is really a handsome jerk.
“Can I get my sling bag now, Mr. Ramirez?” may diin niyang sabi. Ngunit imbes na sagutin siya nito ay naghubad ito ng sapatos at niluwagan ang neck tie na suot na parang nasa sarili itong bahay. Hinubad din nito ang coat at basta na lamang iyon itinapon sa sofa niya.
At tangay tangay ang sling bag niya, pumasok ito sa kusina at iniwan siyang nakatayo sa salas.
Nag-isang linya ang kilay niya sa sobrang inis. Ang kapal talaga ng mukha ng walang hiyang ito. Nagma- marcha ang mga paa na sinundan niya ito sa kusina at naabutan na sinisimsim ang mga Yakult niya nang hindi man lamang iyon tinatanggal sa plastic.
Inis niyang inagaw ang isang plastic ng Yakult dito. Naiwan pa ang maliit na straw sa bibig nito.
“You're so mean, you know. Ganyan ba wine-welcome ang mga guest? Nasaan ang hospitality at pagiging mabait na Pilipino mo?” eksaherado nitong nilalakihan ang mga mata na para bang hindi makapaniwala sa ginawa niya.
“First of all--”
“Then second, third, fourth, fifth--”
“Shut up, you brute!” nagtataas baba na ang dibdib niya sa sobrang inis sa lalaking ito. Pero heto at tila tuwang tuwa pa itong makitang galit na galit na siya. His eyes are even dancing in amusement at idini-kuwatro pa nito ng mga binti.
BINABASA MO ANG
ERASTHAI SERIES BOOK 2: No Ide, No Entri (COMPLETED)
Fiksi UmumJameson Ramirez promised to love his first love to his grave. And when she went missing, he bowed to find her and never to love any other woman than her. He treated women like cars. Pwedeng gawing koleksiyon. Madaling bilhin, madaling palitan. But w...