Patuloy ang pagdaloy ng masaganang luha mula sa mga mata ni Idelaide. Her whole being is throbbing in pain. Especially her heart is.
Nanginginig ang mga tuhod na tinungo niya ang second floor. Ngunit parang nawawalan siya ng lakas. Mahigpit siyang napahawak sa railings niyon.
Kahit masakit na masakit na, umaasa pa din ang puso niyang susundan siya ng binata. Na yayakapin siya nito gaya ng dati nitong ginagawa.
Ngunit alam niyang hindi iyon ang mangyayari. At tama nga siya. Dahil narinig niya ang pagharurot ng kotse nito palayo sa apartment na tinutuluyan.
Parang tinusok ng milyung- milyong karayom ang puso niya. Tigmak ang luha na napadaus-os siya paupo sa hagdan.
“Hanggang sa huli, hindi mo pa din masabing minahal mo ako,” bulong niya sa hangin.
Mapait siyang napangiti, at ang ngiting iyon ay nauwi sa malakas na paghagulgol. Sinuntok-suntok niya ang puso. Umaasang mamamanhid iyon.
Ngunit gaya ng pag-asa niya kay Jameson, hanggang pag-asa na lang din na mamamanhid ang sariling puso. Dahil kahit iyonn, hindi na sumusunod sa kaniya. At kahit masakit na hindi siya hinabol ng binata, mas masakit pa din ang katotohanang ito pa din ang itinitibok ng puso niya.
Pinilit niya ang sariling tumayo. Ni hindi niya alam kung paano siya nakarating sa apartment. Basta’t nang makapasok siya doon, napasalampak na lamang siya sa likod ng nakasaradong pintuan at nayakap ang sariling tuhod.
She sat there and silently cried for God knows how long. Ni hindi niya mabuhat ang sarili patungo sa kuwarto. Hindi na niya maitayo ang nanlalambot na mga paa. Para siyang nawalan ng lakas. Drained na drained siya.
Nasa ganoong estado siya nang marinig ang sunod sunod na pagkatok sa kaniyang pintuan.
Jameson!
Mabilis niyang pinahid ang luha mula sa nanlalabo ng mga mata at walang atubiling binuksan ang pintuan sa pag-aakalang si Jameson iyon.
Ngunit napaatras siya nang mapagsino ang nasa likod ng pinto.
Ngumisi ito sa kaniya at dahan dahang naglakad papasok ng kabahayan. Bawat pag-abante nito ay siya namang pag-atras niya.
“Hi. Little Sis.”
“A-Ate Iyah. Anong… g-ginagawa mo dito?” pinilit niyang itago ang panginginig sa boses. Lalo na nang mapadako ang tingin niya sa kamay nitong may hawak na baril.
“Well,” nakangisi nitong pinaglaruan ang baril sa mga kamay. “I just missed you my little sister.”
“B-bakit may dala kang g-ganiyan?”
“Oh this?” itinaas nito ang baril at malawak na nang-uuyam na ngumiti sa kaniya. “This is my toy.”
Binundol siya ng kaba sa sinabi ng kapatid. One wrong move and both of them might end up dead.
“Calm down, Ate. Hand me the gun,” pinilit niyang pakalmahin ang sarili. “Baka kung ano pang mangyari sa atin pareho.”
“Sa atin pareho?” ulit nito sa sinabi at tila wala sa sariling humalakhak. “Sa akin walang mangyayari. Pero sayo, meron!”
Napaigik siya nang marahas na hinablot nito ang kaniyang buhok. Nanlaban siya. Pinilit niyang alisin ang kamay nitong mahigpit na nakahawak sa buhok niya.
“Ano bang nangyayari sayo, Ate Iyah!”
Itinutok nito sa ulo niya ang baril na hawak. Natigilan siya. Parang sasabog sa kaba ang puso niya. “Pag hindi ka tumigil, pasasabugin ko ‘yang bungo mo!”
BINABASA MO ANG
ERASTHAI SERIES BOOK 2: No Ide, No Entri (COMPLETED)
General FictionJameson Ramirez promised to love his first love to his grave. And when she went missing, he bowed to find her and never to love any other woman than her. He treated women like cars. Pwedeng gawing koleksiyon. Madaling bilhin, madaling palitan. But w...