ELEVEN

3.6K 103 9
                                    

“Ano namang pumasok sa isip mo at napadalaw ka dito?” tanong sa kaniya ni Lawrence bago sinimsim ang iced black coffee nito. Kasalukuyan silang nasa isang coffee shop na malapit lamang sa main branch ng Gallego Hospital.

Hanggang ngayon ay hindi pa din ito nakakalipat dahil tinatapos ng binata ang term nito bago makalipat sa ospital na pinagtratrabahuhan niya.

“Wala lang. Na-miss lang kita,” simpleng sagot niya. “Matagal-tagal na din tayong hindi nagkikita at nagkakausap e.”

Naningkit ang mga mata ni Lawrence. “You do know that you sucked on lying, do you?”

Napatitig siya sa mga kamay na nakahawak sa baso ng inorder ding kape. “Yeah, I know.”

“Did something happened?” nag- aalalang tanong ng binata sa kaniya. Ngunit sunod sunod na pag-iling lamang ang isinagot niya dito. “Come on, Ide. That's not what your facial expression tells me. And mind you, you weren't go here if there's no reason. ”

She can't tell him what's going on. It's personal for her. At ayaw din niyang sumama ang tingin ni Lawrence kay Jameson.

Gusto niyang matawa ng pagak. Hanggang ngayon kapakanan pa din ni Jameson ang iniisip niya.

I wonder what is he doing right now. She can't admit that she really missed him, but she really do.

Pero para sa kapakanan nilang dalawa, kailangan niyang pairalin ang mapuputol na ding pisi ng rasyunalidad niya.

“Hey,” inabot ni Lawrence ang braso niya at masuyong hinawakan iyon. “You know you can tell if you have any problem. If there's anything going on, don't hesitate to tell me, okay?”

Tango lamang ang muli niyang naisagot sa binata.

Lawrence smiled at him. “Now, get rid of that frowning face of yours. Hindi bagay sayo. Smile. Sayang naman ang kagwapuhan ko kung nakabusangot na mukha lang ang ipapakita mo sakin.”

She rolled her eyes. But what he said made her smile also. “At lumabas na naman po ang tinatagong kakapalan ng mukha ni Lawrence Gallego.”

Lawrence just shrugged his shoulders. “At least that made you smile. Smiling face suits you better.”

Mas nilakihan niya ang ngiti at inilabas lahat ng ngipin niya. “Like this?”

Pabirong tiningnan siya ni Lawrence na parang nandidiri ito. “Now I know.”

Hindi niya binago ang ngiti. “Now you know what?”

“That you look like a witch when you smile like that. Jeez, I might experience nightmares from now on. Don’t do that again.”

Nagkatawanan sila sa sinabi ng binata. Being with Lawrence like this, it somehow eased her mind. Masuwerte talaga ang babaeng magugustuhan nito.

“I’m really a witch. Kukulamin kita makita mo,” natatawang pananakot niya dito.

“You really are. Ginayuma mo yata ako,” bulong naman ng binata.

Kumunot ang noo ni Ide dahil hindi niya naintindihan ang huling sinabi ni Lawrence.

“Anong sabi mo?” tanong niya.

“Wala, ganda mo bingi ka lang.”

“Ano nga yon. Sasapukin kita,” pamimilit niya.

Naputol ang iba pa sana niyang sasabihin nang mag-ring ang cellphone niya. Saglit siyang nag-excuse kay Lawrence at agad na sinagot ang tawag nang makitang si Tatay Noli ang tumatawag. Ang isa sa mga care taker ng bahay nila sa Batangas.

“Hello po, Tatay Noli? Napatawag kayo? May problema po ba?” sunod sunod na tanong niya.

“Hello po, Ma'am Ide. Madali po kayo, at umuwi muna dito. May tao po dito na kailangan po kayong makita. Kararating lamang po nila at ikaw ang hinahanap nila.”

ERASTHAI SERIES BOOK 2: No Ide, No Entri (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon