A/N: Warning | SPG | Mature content inside | R18 | Read at your own risk!
Another warning: may typo hahahaha. Enjoy!
Ngunit ang sinasabi ng binatang ‘babalik agad ako pagkatapos ng karera ko’ ay hindi na nangyari. Hinintay niya ito hanggang madaling araw kaya naman kulang na kulang siya sa tulog.
Inis na bumangon si Ide, gusto pa sana niya matulog tutal day off pa din naman niya pero nagpagdesisyunan na lamang niya manood ng sine sa araw na iyon at magliwaliw ng kaunti. At dahil maaga siya nagising, madami pa siyang oras para linisin ang inaagiw na niyang apartment.
Pagkatapos maghilamos at magmumog ay lumabas siya ng bahay para diligan ang mga mumunting halaman niya sa labas na nasa paso. Lumalaki na ang mga iyon at ang iba ay gumagapang pa at namumulaklak. May mga nakasabit din sa ibaba ng bintana niya.
Mahilig kasi siya sa halaman. At karamihan sa mga halaman niya ay regalo ni Alliah at ng iba pa niyang co-workers. Iyon kasi ang ipinaparegalo niya sa mga ito tuwing birthday niya.
Ngunit ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang makita si Jameson na nakaupo sa harap ng apartment niya at dinidiligan ang mga halaman niya. Naka- pajama ito at malaking t-shirt at halatang bagong gising.
Ang aga naman ng isang ito? Lumabas siya at tumabi dito ng upo.
“Ano na namang ginagawa mo dito? Ang aga-aga pa ah?” tanong niya dito.
Ngunit imbes na sagutin ang tanong niya ay ibinaba nito ang pandilig at matiim na tumitig sa kaniya.
Kumunot ang noo niya. Naiilang siya sa paraan ng pagtitig nito sa kaniya. “Bakit ganiyan ka makatingin?”
Bumaba ang tingin nito sa dibdib niya at matiim din ang titig na ipinukol doon. Mas lumalim ang gatla sa noo niya.
Bigla na lamang itong iritadong tumayo at nagma- marchang pumasok sa katabing kuwarto ng apartment niya. Malakas pa nitong ibinagsak pasara ang pintuan niyon.
“Anong problema nun?” natanong na lamang niya sa sarili habang nakatitig sa pintong pinasukan nito.
Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya ng marealize ang ginawa nito. Bakit ito pumasok sa katabing kuwarto apartment niya?
Don't tell me dyan na din siya nakatira ngayon at magkapit-kuwarto na kami? Napapalatak siya ng mura sa isip dahil nasa dulo ng hallway ang inookupahan nilang mga kuwarto at sila lamang ang nakatira sa second floor. I think I’m in danger. Especially my heart is.
Napabuntong hininga na lamang siya. Ano ba talaga kasing kailangan sa kaniya ng lalaking ito at ginugulo ang tahimik niyang buhay at puso.
Wala sa sariling napatingin siya sa sariling dibdib at mas namilog ang mga mata niya nang marealize na nakamanipis na night dress lamang siya at walang suot na bra! Bakat na bakat ang dibdib niya. Shit!
Dali-dali siyang pumasok sa sariling bahay sa kahihiyan. Tila umakyat lahat ng dugo sa mukha niya at panigurado siyang pulang-pula na ang magkabilang pisngi niya ngayon.
Mabilis siyang nagtungo sa banyo at nag- asikaso ng sarili. Nagsuot siya ng casual floral dress na hapit sa kaniyang bewang kaya naman naeemphasize niyon ang hubog ng katawan niya. Kaya lamang ay may sleeves iyon, hindi naman kasi siya sanay na lumabas ng bahay na labas din ang mga balikat niya. Hindi siya masyadong kumportable.
Kinuha niya ang coat ng binata at lumabas na ng bahay. Sinigurado niyang naka-lock iyon bago kinatok ang binata na nasa kuwarto.
Makalipas ang ilang minuto, nagbukas ang pinto at ganoon na lamang ang pagdaloy ng dugo sa mukha niya nang lumabas ang hubad- barong si Jameson. Tumutulo pa ang tubig mula sa buhok nito pababa sa matitipuno nitong katawan hanggang sa ibabang parte ng katawan nito na nakatapi lamang ng puting tuwalya.
BINABASA MO ANG
ERASTHAI SERIES BOOK 2: No Ide, No Entri (COMPLETED)
General FictionJameson Ramirez promised to love his first love to his grave. And when she went missing, he bowed to find her and never to love any other woman than her. He treated women like cars. Pwedeng gawing koleksiyon. Madaling bilhin, madaling palitan. But w...