SIXTEEN

3.9K 110 7
                                    

A/N: Sa mga di pa nababasa ang Giovanni's Anni. Hehehe, sana basahin niyo. Para mas malinawan kayo. Labyu all.

>> mobile update. Enjoyy!

Malakas ang kabog ng dibdib ni Ide. Ramdam niya ang maliliit at malamig na butil ng pawis na namumuo sa kaniyang noo.

Matapos ang pangyayari sa apartment niya ay pakaladkad siyang hinatak sa buhok ng Ate Iyah  niya patungo sa sasakyan nitong nakaparada sa hindi kalayuan.

Pasalampak siya nitong itinulak papasok sa sasakyan at mahigpit na itinali ang kaniyang kamay. Binusalan din nito ang bibig niya at piniringan ang mata niya. Ramdam din niya ang malamig at matigas na bagay na nakakabit sa magkabilang paa niya. Tingin niya, mga kadena iyon.

Kaya heto siya ngayon, walang magawa kundi makiramdam at hintayin ang  mgasusunod na maaring mangyari habang piping nagdadasal.

O Diyos ko. Ikaw na po ang bahala sa akin. Paulit- ulit iyong tumatakbo sa isip niya.

Maging imahe ni Jameson. Nakikita din niya sa isip niya. Hindi niya alam na ganito ang mangyayari. Hindi niya alam ang susunod na maaring mangyari sa kaniya. Nagsisisi siya na hindi maganda ang magiging huling pagkikita nila ng binata kung sakaling may mangyari sa kaniyang masama.

Hindi na din niya alam kung ilang oras na ang lumipas. Basta ang alam niya ay kanina pa sila nasa biyahe papunta sa kung saan mang lugar.

Ilang minuto pa ang nakalipas nang maramdaman niya ang pagtigil ng sasakyan.

“We’re here, Little Sis! Are you excited? Because I'm very excited!” She gritted her teeth. This woman beside her is definitely insane.

Narinig niya ang malakas na pagbukas at pagsara ng pinto, kasunod niyon ay ang pagbukas naman ng pinto na nasa gilid niya.

“Get out!” mariing utos sa kaniya ni Iyah. “I said get the hell out!”

Nang hindi siya tumalima kaagad ay buong lakas nitong hinatak ang buhok niya at kinaladkad siya palabas. Napaigik siya dahil parang matatanggal ang kaniyang buhok mula sa anit.

“Gusto niyo nasasaktan pa kayo bago sumunod!” marahas na inalis ni Iyah ang telang nakatakip sa kaniyang mata. Mariin siyang ilang ulit na napapikit upang hintayin na mag-adjust ang paningin niya.

Ilang segundo ang lumipas ay bumungad sa kaniya ang nagtataasang puno at ang galit na mukha ni Iyah.

Where on earth are we?

Kahit madilim ang paligid ay kitang kita niya kung iwinawagayway ng hangin ang mga puno.

“Pag inuutusan kita, sumunod ka kaagad, Idelaide! Kung ayaw mong masaktan! Maiksi lang ang pasensiya ko!” mariin nitong hinawakan ang panga niya.

This woman has the face of her sister, but she is definitely not. She's a monster.

She struggled. “Pakawalan mo ‘ko! Saan mo ko dinala! Nasaan tayo ha!”

Ngumisi lamang ito sa kaniya na parang nababaliw. “You'll see, little sis. You’ll see. Don’t worry. This is going to be fun!”

Isang kotse ang tumigil di kalayuan sa kanila at mula doon, lumabas ang ilang kalalakihan na may malalaking katawan. Ang iba ay may hawak na baril. Namilog ang mga mata niya ng makita ang mga baril. For a minute, she's scared. Paulit ulit niyang inuusal sa isip na sana ay protektahan siya ng Panginoon mula sa mga kamay ng sariling kapatid.

Diyos ko, ito na ba ang magiging katapusan ko?

“Let's go.” Muli siyang kinaladkad ng kapatid ngunit nagpumiglas siya. Hindi niya hahayaan na sa ganito lamang matapos ang buhay niya.

ERASTHAI SERIES BOOK 2: No Ide, No Entri (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon