TWENTY ONE

4.1K 112 9
                                    

"Bye, Pursue!" kumaway siya dito.

Lumingon ito sa kaniya at nakangiting kumaway pabalik. "Bye, Preggy friend!"

Kitang-kita niya kung paano ito saglit na matigilan. Hindi talaga maikakaila ang kagandahan ng babae. Kahit siya ay humahanga sa kagandahan at kabaitan nito.

It's been six months magmula noong una siyang makarating sa Isla Walang Pangalan. At masasabi niyang talaga namang madami na ang nagbago.

Noong unang buwan niya ay walang humpay ang tahimik niyang pag-iyak sa gabi. Hindi din niya masyadong nakasama noon si Pursue, dahil isang buwan itong tumira sa Isla Buenavista, iyon ang isa sa mga karatig nilang isla na pagmamay-ari ng isang mayamang negosyante.

Wala tuloy siyang masabihan noon ng problema dahil nahihiya siyang sabihin pa iyon kay Nanay Lita, ang nanay-nanayan ni Pursue dahil ito ang kapitana ng Isla Walang Pangalan. Ayaw niyang makadagdag pa sa isipin nito.

Lalo namang hindi niya iyon maaring ikuwento sa kambal na kapatid ni Sue dahil parehas iyong mga binatilyo: sina Kiko at Kael, na parang mga kapatid na din niya.

Palagi kasing sumasagi sa isip niya si Jameson. Hindi niya ikakaila ang pagka-miss dito. Ngunit sa tuwing naaalala niya ang nangyari sa condo unit nito ay hindi niya maiwasang masaktan.

Pagkalipas ng isang buwan ay bumalik na si Pursue sa isla, kaya lamang ay naging tahimik ito at palaging wala sa sarili, hindi katulad noong una siya nitong sinundo sa daungan.

Ngayon ay okay na ito. Pagkatapos ng dalawang buwan na pagkawala sa sarili ay bumalik ang dating masayahing Pursue. Dahil mapagkakatiwalaan niya ito, naikuwento niya dito lahat ng nangyari sa kaniya na naintindihan naman kaagad nito. At makalipas din ang  tatlong buwan na pag-aasikaso nito sa nalalapit na kasal, dalawang araw na lamang ang nalalabi ay talagang ikakasal na ito.

At iyon ang ipinunta nito sa bahay niya sa islang iyon na hindi din naman kalayuan sa mga bahay nito. Inimbitahan siya nito sa kasal nito, na buong puso naman niyang pinaunlakan.

Nagmamadaling lumapit pabalik sa kaniya si Sue at may ibinulong sa tenga niya.

Namilog ang mga mata niya dahil doon. "Talaga?"

Nakangiti itong tumango-tango. "Talagang-talaga, preggy friend!"

"Congrats. Ilang buwan na?" Masayang tanong niya.

"Two months na. Hindi ko pa nga sinasabi kay Trail e. Ninang ka ha, tapos ninang din ako niyang baby mo," untag nito at hinaplos ang malaki na niyang tiyan.

"Oo naman."

"At dahil girl ang baby mo, pag boy ang baby ko, dapat sila ang magkatuluyan."

Nagkatawanan sila sa sinabi nito.

"Osige na, alis na ko, Ide. Hinihintay na ako ni Trail e," tukoy nito sa mapapang-asawa, "Bridesmaid kita ha, wag mo kalimutan, kundi papabilikin kita sa inyo!" pananakot nito sa kaniya na ikinatawa niya.

"Oo na, oo na."

"Babye, Ide!"

"Bye, Sue."

Tuluyan na itong tumalikod sa kaniya. Kitang-kita niya kung paano ito masayang niyakap ng mapapang-asawa nito.

Nasundan na lamang niya ng tingin ang papalayong bulto ng dalawa bago tuluyang pumasok sa bahay niya at ipinagpatuloy ang ginagawa niya kanina.

Maaliwalas ang bahay niyang iyon dahil malapit lamang sa dagat. Tinulungan siya ng magkapatid na Kiko at Kael sa pagtatayo niyon. Ang kalahati niyon ay bato at ang kalahati ay sawali kaya mabilis pumasok ang hangin.

ERASTHAI SERIES BOOK 2: No Ide, No Entri (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon