TWENTY TWO

4.1K 114 11
                                    

A/N: Nakakalungkot na malapit na ding matapos ang istorya nina Jameson at Idelaide. Nagpapasalamat ako sa mga nagbabasa nito.

I promise to write more after this. 😊 Sana, suportahan niyo pa din ang mga susunod kong story. Sobrang nakakataas ng self-steem yung kaalaman na may mga nagbabasa ng story na pinaghirapan mo. Kaya thank you po talaga.

Hindi na halos nakapagpaalam si Jameson sa sariling mga magulang. Pagkatapos na pagkatapos kumain ng tanghalian ay mabilis siyang lumuwas pabalik sa Maynila.

Napatingin sya sa maliit na paso na may tanim na maliit pa ding Calachuchi na nabili niya sa isang garden depot na nadaanan niya pabalik.

Ipinarada niya ang sasakyan sa tapat ng apartment house na dating inookupahan ng dalaga. Bitbit ang paso ng Calachuchi ay tinungo niya ang second floor ng apartment house na iyon.

Napangiti siya nang makita na halos napuno na niya ng mga maliit na paso ng Calachuchi ang buong pasilyo ng ikalawang palapag. Ngunit kasabay ng ngiting iyon ay ang pagpatak ng iilang butil ng luha mula sa mga mata niya.

Mabilis niya iyong pinunasan. "O, kamusta na kayo mga Calachuchi ng mahal ko?" kinakausap niya ang mga iyon na para bang sasagot iyon. "Madadagdagan na naman kayo ng isa. Sana bumalik na kaagad ang amo ninyo para hindi na kayo madagdagan," nakangiti niyang sabi.

Inilabas niya ang pentel pen-- na sinimulan niyang dalhin palagi anim na buwan na ang nakakaraan-- mula sa kaniyang bulsa. Kinagat niya ang takip niyon at sinulatan ng 184 ang paso na hawak niya. Tinakpan niya ang pentel pen at inihanay ang paso sa tabi ng isa pang maliit na paso ng Calachuchi na may nakalagay na 183.

Pagkabalik niya ng pentel pen sa bulsa ay dinampot naman niya ang pandilig na may lamang tubig at isa-isang diniligan ang lahat ng paso ng Calachuchi sa palapag na iyon.

"Pasensiya na kayo at ngayon ko lang kayo nadiligan. Nagpunta pa kasi akong Batangas."

Maingat siyang naglakad sa pasilyo sa takot na baka maapakan niya ang mga calachuchi na matiyaga niyang binibili araw-araw. Magmula nang umalis ang dalaga ay walang palya ang pagbili niya paborito nitong bulaklak habang binibilang ang mga araw na wala ito sa piling niya. At dahil napuno na nga ang ikalawang palapag ay napagpasyahan niyang bilhin na ang apartment house na iyon dalawang buwan na ang nakararaan.

At hanggang ngayon, paulit-ulit pa din niyang dinadasal na sana matapos na ang pagbibilang niyang iyon.

Nang makarating siya sa tapat ng pinto ng unit na inookupahan ni Idelaide ay hindi niya maiwasang mapatitig doon. Napuno na iyon ng sticky notes at umabot na halos sa pintuan ng kabilang unit na inookupahan niya.

Ibinaba niya ang pandilig at pinulot ang sticky notes na wala pang sulat at ballpen na iniwan na niya sa tapat ng pinto ng dalaga. Sumandal siya sa pader at naupo sa lapag. Ginamit niya ang tuhod niya na patungan para makapagsulat siya ng maayos sa sticky note.

Honey,

It's been a hundred and eighty four days since you left. I miss you so freaking much. I miss your beautiful and lovely face. I miss your voice, your hugs, your kisses. I miss your cuddles, your cooking. I miss you. Please comeback and tell me to stop counting.

My heart has already died since the day you left me. Please comeback and resuscitate it.

I love you,
Jameson.

ERASTHAI SERIES BOOK 2: No Ide, No Entri (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon