“Honey…”
Itinago niya ang mumunting gulat nang marinig ang tawag nito sa kaniya. Mabuti at siya lamang ang nakapansin niyon.
“Can we join you and your friends, little sis?” excited na tanong ng ate niya.
Bahagya siyang nag-alangan sumagot. “Ahm--”
“Sure. You can join us for lunch,” si Lawrence na ang sumagot para sa kaniya. Napabaling tuloy siya ng tingin sa binata pero hindi ito nakatingin sa kaniya. Nakatingin ito sa mga bagong dating.
“Cool!” her Ate giggled. At dahil four-sitter lamang ang table nila, tumawag ito ng waiter para magpadagdag ng upuan at para umorder. Si Lawrence na ang nagboluntaryong umupo sa bagong dagdag na upuan. Katabi na niya ngayon ang binata na nakaupo sa kaliwang bahagi niya at sa kanan naman niya si Alliah. Samantala, katapat niya Ate Iyah niya at katabi naman nito si Jameson.
Natahimik ang lamesa nila. Ipinokus lamang niya ang atensiyon sa pagkain at hinayaang si Lawrence at Alliah makipagkuwentuhan sa mga bagong dating. Paminsan- minsan ay sinusundot ni Alliah ang tagiliran niya, while simply mouthing ‘talk, will you?’, na hindi naman niya sinusunod. Dahil sa tuwing mag-aangat siya ng tingin, saktong nagtatama ang mga mata nila ni Jameson na matiim ang titig sa kaniya.
“So, are you a nurse too?” narinig niyang tanong ng ate niya kay Alliah.
“Yeah. I am Idelaide’s friend,” simpleng sagot naman nito.
“Oh. So I assume that you guys work on the same ospital. Including you, Lawrence?” muling tanong nito bago maarteng kumain ng steak at marahang pinunasan ng table napkin ang bibig nito.
“Yes. Actually, I was transferred in their branch today. And this lunch is supposed to be my welcome treat.”
“Oh I see. I wonder, what’s so great about being a nurse? E diba maliit lang naman ang sahod diyan. Tapos mag-aalaga lang naman kayo ng mga taong mamamatay na, right?” hinagod nito ng nang-uuyam na tingin ang nurse uniform na suot nila ni Alliah.
Marahas niyang naibaba ang kutsara at tinidor, at hindi makapaniwalang napatingin sa sariling kapatid.
“Iyah, stop it,” mahinang pagsaway dito ni Jameson.
Tumikwas lamang ang kilay ni Iyah at tinabig ang kamay ng binata. “What! I’m just telling the truth, okay? Why will you settle on a profession that has no benefit at all? It's a job you shouldn't be proud of!”
Nanginginig ang mga kamay na naikuyom niya ang mga iyon. Marahas siyang tumayo.
“I- I think, the hospital just paged m-me. I… gotta go,” mabilis niyang tinalikuran ang mga ito.
“Hey, Ide, wait me up,” narinig niyang pagtawag ni Alliah sa pangalan niya ngunit walang likod siyang lumabas ng restaurant na iyon.
“Hey. I don't think the hospital paged us yet. Wala akong natanggap na text,” naramdaman niya ang pagkunyapit ni Alliah sa braso niya at sinabayan siyang maglakad. “I didn't think you sister could say that. I am mad too, okay? Hayaan mo na lang ang kapatid mo. Hindi niya alam ang hirap natin dahil hindi naman siya nurse.”
Napatigil siya sa paghakbang.
“Ate Iyah, anong gusto mong maging pag malaki ka na?” tanong ng batang Ide. Bahagyang sumulyap sa kaniya ang siyam na taong gulang niya na ate.
Saglit itong nag-isip bago ipinagpatuloy ang paglalagay nito ng gamit sa bag. “Gusto ko maging nurse.”
“Nurse?”
“Yep. Tapos palagi kong babanggitin ang pangalan ko para ipakita ko sa tao na proud ako sa propesyon ko.”
“Babanggitin ang pangalan mo?”
BINABASA MO ANG
ERASTHAI SERIES BOOK 2: No Ide, No Entri (COMPLETED)
General FictionJameson Ramirez promised to love his first love to his grave. And when she went missing, he bowed to find her and never to love any other woman than her. He treated women like cars. Pwedeng gawing koleksiyon. Madaling bilhin, madaling palitan. But w...