A/N: Super sorry po at medyo natagalan ang update. Mobile update po ito, so expected na ang typo. I'll try to edit my stories next time, pag may free time na hahaha. Sa ngayon po busy pa ako sa pag-aasikaso ng mga bagay bagay sa school.
Thank you sa pang-unawa 💜 Happy Reading!
Iginalaw- galaw ni Idelaide ang leeg para supilin ang pangangawit niyon. Kalalabas lamang niya mula sa mini cafeteria at bumili ng canned coffee. Dahil marami talagang pasyente tuwing araw ng lunes, she decided to take double shift, kaya kahit gabi na ay nasa ospital pa din siya.
She sat on the bench that she usually sit on and took a sip of her coffee. Masayang masaya ang naging day off niya. Napangiti pa siya nang maalala ang paghatid sa kaniya kaninang umaga ni Jameson. At kahit medyo busy ito ay nakuha pa din ng binata na tawagan siya para i-check kung kumain na siya. That man is being extra sweet to her which makes her heart fall into a deep pit.
Nasa ganoong estado siya nang bigla siyang matigilan. She felt a chill on her spine, like she is being watched by someone. Nagpalinga- linga siya para hanapin kung may nakatingin ba sa kaniya o ano pa man, nang sumagi sa kaniyang paningin ang isang lalaking nakaupo din sa isang bench medyo malayo sa kaniya.
Nakatapat mismo ito sa madilaw na lamppost. Nakaitim ito at nakasuot ng bullcap kaya hindi niya ito makilala. But she is sure that he is looking at her. Nakaharap ito sa direksyon niya. And it scares her. Nagsisitayuan ang balahibo niya.
Mabilis niyang tinungo ang glass door ng ospital ng walang lingon-likod. Bumibilis ang tibok ng puso niya at nag- uumpisa siyang kabahan.
Nang makapasok siya sa ospital ay dahan dahan niyang nilingon ang lalaki. Parang kinakarera ang puso niya nang makitang nakatayo na ito at unti unting naglalakad patungo sa direksiyon niya.
Mabilis niya itong tinalikuran at lakad takbong tinungo ang mga kasamahan niya.
“Shit!” napasalampak siya sa sahig. Natapon din ang canned coffee niya.
“Oh emgee, sissy. Are you okay?” tinulungan siya ni Maryam makatayo. Sa pagmamadali ay hindi niya ito napansin kay nagkabungguan sila.
“Ah… okay lang ako, Maryam. Pasensiya na,” inayos niya ang suot at muling napalingon sa lalaki. Ngunit wala na ito doon. Tanging ang bench sa ilalim ng kumurap- kurap na lamppost na lamang ang nandoon.
Napabuntong- hininga siya ng malalim. It nearly gave her a heart attack.
Namamalik- mata lang ba ako?
Gusto niyang isipin na dala lamang iyon ng pagod. But no, she really saw a man seating under the lamppost looking at her direction.
“Are you sure?” muling tanong ni Maryam. “You look pale. Mukha kang may sakit,” tumingin din ito sa direksyon na tinitingnan niya.
Pilit siyang ngumiti dito. “Medyo pagod lang. Nag-double shift ako e,” palusot niya dito.
“Magpahinga ka muna, girl. And I, ahm… sorry about your coffee,” napatingin sila pareho sa kape niyang tumapon sa sahig.
“Ah, naku hindi, okay lang,” nagpapasalamat pa nga ako na nakabunggo kita.
That unknown man really scared the shit out of her.
Pinulot niya ang lata ng kape. “Sige mauna na ako, Nurse Maryam. Tatawag pa ako ng pwedeng mag-asikaso nitong natapon na kape. Baka kasi may madulas pa dito e.”
BINABASA MO ANG
ERASTHAI SERIES BOOK 2: No Ide, No Entri (COMPLETED)
General FictionJameson Ramirez promised to love his first love to his grave. And when she went missing, he bowed to find her and never to love any other woman than her. He treated women like cars. Pwedeng gawing koleksiyon. Madaling bilhin, madaling palitan. But w...