Hi kay 2NE1_Blackjack this is for you. Happy Reading 💖
Relax na isinandal ni Idelaide ang likod sa sandalan ng bench na nasa labas ng ospital. Sumsim siya ng kapeng nakalata habang pinanonood ang ibang pang mga pasyente na naglalakad-lakad din doon. She'll never get tired of drinking canned coffee.
Katatapos lamang niya kamustahin ang lagay ni Maryam at ni Annina at tila nakahinga siya ng maluwag nang makitang okay na ang mga ito.
Nalaman din niya na ito pala ang matalik na kaibigan ng Ate Iyah niya. Nalaman din niya mula dito na si Roy daw ang matagal nang sumusunod sa kanila at maging si Maryam ay ilang ulit din na pinagbantaan nito.
Matapos ang mga nangyari kagabi, nahuli na si Mariel at ang mga kasabwat nito. Ipinaubaya na din niya kay Creig ang pagsasampa ng kaso dito. Nabalitaan din niyang nagpakamatay daw si Roy. Ipinagpasa-Diyos na lamang niya ito.
Mabuti na lamang din at mga gasgas at kakaunting galos lamang ang inabot niya kaya naman hindi ganoon kasakit ang mga iyon.
Nagising siya na mag-isa lang sa kuwarto kanina. Hinanap ng mga mata niya si Jameson ngunit hindi naman niya nakita ang binata. Kaya nang makaramdam siya ng pagkauhaw ay lumabas siya mula sa ospital at bumili ng maiinom sa vendo machine.
Napag-alaman din niya na nasa Batangas pala sila. Kaya pala mahaba ang naging biyahe niya ni Mariel. Nagkita na din sila nina Tita Bellen at Tito James. At ang nakakagulat ay niyakap siya ng mga ito at humingi ng tawad sa mga nangyari. Iwinelcome din siya ng mga ito sa pamilya nila kahit pa nga ba hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin niyon.
Napabuntong-hininga na lamang siya. Everything is okay now, is it?
Gusto na niyang kalimutan kung ano man ang mga nangyari kagabi. It will just be a part of her history.
Mom, Dad, Ate. I'll continue to protect our family and everything you built for me. I promise. I hope you are all happy now in heaven.
"Hey."
Nag-angat siya ng tingin at nakita niya si Jameson na nakatayo na pala sa harap niya. Nagtama ang mga mata nila kasabay ng mabilis na pagtibok na naman ng puso niya.
This man never fails to make her heart rage inside her chest.
Bumalik sa ala-ala niya si Annina at Gio. Their love for each other amazed her.
How can I ever love this man without doubting?
At ang tanong, Could this man ever learn how to love her?
"Hey," balik pagbati niya dito.
Umupo ito sa tabi niya. "You okay?" tanong nito.
Tipid siyang ngumiti. "Yeah. I'm happy that you and your long lost sister have already reunited."
"Yeah. I'm happy too."
Nilukob sila ng katahimikan. Tila pareho silang naubusan ng salita.
Jameson broke the deafining silence."I'm sorry, Ide--"
"No. I'm sorry." She cut him off. Tumulo ang luha niya. "I'm sorry that my Ate Iyah was already dead. You know what, just like you, I also looked for her for 21 years. I looked for her and hoped that she is alive and well and one day, we will meet again. But when Mariel came back with Ate Iyah's face, you know what I first thought?"
Hindi sumagot si Jameson. Basta't nakatingin lamang ito sa kaniya na punong puno ng pagsuyo at hinihintay ang mga kasunod niyang sasabihin.
"I thought 'Jameson's first love is finally back'. I was mad at myself for thinking something like that. Naisip ko, yung kapatid kong nawawala ng ilang taon, bumalik na, tapos aagawan ko lang siya? I tried to suppress myself. My love for you. Pero ang katotohanan, I tried to be Ate Iyah. I tried to. I tried so hard. But I'm not her. I can't be her. And I'm sorry that I can't..."
BINABASA MO ANG
ERASTHAI SERIES BOOK 2: No Ide, No Entri (COMPLETED)
General FictionJameson Ramirez promised to love his first love to his grave. And when she went missing, he bowed to find her and never to love any other woman than her. He treated women like cars. Pwedeng gawing koleksiyon. Madaling bilhin, madaling palitan. But w...