SEVEN

4K 106 6
                                    

A/N: Sorry po sa late update huhuhu busy po si ateng niyo sa community service niya.
PS. May typo.

Dapit hapon na nang magising si Idelaide. Nagising siya sa estrangherong silid at makirot din ang gitnang bahagi ng mga hita niya. Ipinilig niya ang ulo upang alalahanin ang mga nangyari at nang matagumpay na maalala iyon, nanlalaki ang mga mata na inilibot niya iyon sa kabuuan ng silid para hanapin si Jameson.

Ngunit wala doon ang binata. Bumangon siya at itinapis ang kumot sa katawan. Hinanap niya ang sariling damit at natagpuan niya iyon na maayos na nakatupi sa ibabaw ng sofa. Mabilis niyang isinuot iyon at bumalik sa sariling apartment.

Hindi siya mapakali habang nakaupo sa may kusina. Ano na lang ang sasabihin niya sa guwapo niyang kapitbahay? Hi, Mr. Jameson Ramirez, ang sarap mo. Ganoon?

“Shit naman kasi e! Ang tanga- tanga mo, Idelaide!” inis na sinabunutan niya ang sarili.

Tinungo niya ang banyo at naligo. Nagbabaka- sakaling mawala ang inis sa sarili na nararamdaman. Pagkatapos maligo ay nagsuot siya ng maiksing cotton shorts at oversized na t-shirt. Saktong tinutuyo na niya ang buhok sa harap ng vanity mirror nang malalakas na katok mula sa pinto ang bumulabog sa kaniya.

Shit! Nakaramdam siya ng kaba. Iisang tao lang naman kasi ang pwedeng mambulabog sa kaniya ng ganoong oras.

Dahan-dahan siyang lumapit sa bintana na nagsisilbing peephole niya at hinawi ang kurtina para silipin ang kumakatok sa pinto.

At ganoon na lamang ang gulat niya nang mukha ni Jameson ang tumambad sa kaniya sa bintana. Saktong sumisilip din pala ito. Sa gulat niya, napaatras siya at nabuwal paupo sa sahig. Tumama tuloy ang pang-upo niya doon.

“Aray ko!” nag-isang linya ang kilay niya, mabilis na tumayo at galit na binuksan ang pinto. “Ano na naman ba kasi ang kailangan mo--”

Natigilan siya at napaatras nang ang galit na mukha ni Jameson ang napagbuksan niya. Nakakunot ang noo nito at diretsong nakatingin sa mga mata niya.

Bawat hakbang niya paatras ay humahakbang naman ang binata paabante sa kaniya. Pabalya nitong isinara ang pinto at mabilis na ini-lock iyon.

Ano na naman ba kasi ang ikinakagalit ng hudyong ito?

“Ay!” sa kakaatras niya ay nabuwal siya pahiga sa sofa.

Namilog ang mga mata niya nang mabilis siyang kinubabawan ng binata. Nakaangat ang kalahati ng katawan nito na sinusuportahan ng mga kamay nito na nasa magkabilang gilid niya para hindi siya nito tuluyang madaganan.

Ipinilig niya pagilid ang ulo. Hindi siya diretsong makatingin dito.

“A-ano na naman bang k-kailangan mo?” mahinang tanong niya. Masyadong malapit sa isa’t isa ang mga katawan nila at hindi niya nagugustuhan ang reaksyon ng sariling katawan.

“Umalis lang ako saglit. Pagbalik ko, wala ka na kaagad. Maybe I should have penetrated you rough and hard hanggang sa hindi ka na makalakad o makatayo man lang.”

Nanlaki lalo ang mga mata niya. This brute! Anong gagawin nito sa kaniya? Jujugjugin hanggang malumpo?

Ipinilig niya ang ulo paharap sa binata para sana magprotesta sa sinabi nito ngunit agad din siyang nagsisi. Dahil masyado pa lang malapit ang mukha nito sa kaniya at eksaktong pagharap niya ay naglapat ang mga labi nila.

“Uhmm,” ungol niya sa labi nito. Sinubukan niya itong itulak ngunit mas idiniin pa ng binata ang katawan nito sa kaniya at tulutmyan nang idinagan sa kaniya ang pang-ibabang parte ng katawan nito.

ERASTHAI SERIES BOOK 2: No Ide, No Entri (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon