I dedicate this to Alliah Nicole Flores. Thank you so much for supporting, girl ❤️❤️❤️ Stay strong sa inyo ng tampururot mong bebe hahahha. Anyway, happy reading!
Dapit-hapon na nang magising siya. Tumayo siya at nagtungo sa kusina ng maliit niyang apartment para malamanan ang kumukulong sikmura. Magda- dalawang linggo na ding biskwit at canned coffee ang laman ng tiyan niya kaya naglalaway na din siyang makatikim ng totoong pagkain.
Ngunit mabilis siyang napangiwi nang makitang walang laman ang refrigerator niya bukod sa iilang bote ng tubig, canned coffee, at beer.
She sighed. Kailan ba siya huling nag-grocery? Hindi na niya maalala.
Binuksan niya ang kitchen cabinet at bahagyang napangiti nang makitang may isang pirasong cup noodles pa doon.
Pwede na ‘to. Laman tiyan din.
Kinuha niya iyon, binuksan, at nilagyan ng mainit na tubig na hindi naman talaga masyadong mainit dahil hindi na din niya matandaan kung kailan huling nalamanan ng mainit na tubig ang thermos niya.
Shit, I really need to get a break from the hospital. Parang hindi na tao ang nakatira sa bahay ko. Puno ng agiw at wala ng pagkain.
In the end, pinagtiyagaan niya kainin ang medyo matigas pang noodles.
***
Dinispose niya ang mga kalat saka nag-asikaso ng sarili. Naligo siya upang tanggalin ang panlalagkit ng katawan at pagkatapos ay isinuot ang isang itim na Roseta polo dress. May collar ang ang dress na iyon at may sleeves na hanggang siko. Old style na kung old style, pero kumportable siya doon, at isa pa, bumagay naman iyon sa korte ng katawan niya. Pinarisan niya iyon ng itim din na doll shoes, at pagkatapos ay inisang tali niya pataas ang buhok niya.
Kumportableng- kumportable siya sa suot. Hindi siya mahilig sa stiletto dahil nangangalay lang siya doon at isa pa, hassle iyon, dahil wala naman siyang kotse. In short, magko-commute lamang siya papuntang Batangas. Parusa sa sarili kung maglalakad siya papuntang terminal ng bus ng naka- high heels.
When she reached the terminal, sumakay siya sa huling bus na rutang Cavite. Mabuti na lamang at air conditioned iyon, hindi siya pagpapawisan sa biyahe.
Hindi niya malaman kung ilang oras siya nakatulog basta’t madilim na ang langit at madami ng puno ang nagwawagayway ng mga sanga nito.
She checked her phone.
3 missed calls. 1 text message.
She opened the call logs, si Mrs. Ramirez ang tumawag. She also opened the text message.
Ide, ija, where are you? You aren't answering my calls. Please text me back. I’m kinda worried, so as your Tito James.
She instantly typed her reply.
I’m sorry, Tita Bellen. Malapit na po ako diyan. I’m already in Cavite. Wag na po kayong mag-alala.
Eksaktong pinindot niya ang ‘send’ button ay tumigil ang bus sa pag-andar. Sa lakas ng pagpreno niyon ay napahawak siya sa hand railing ng upuang nasa unahan niya at maging ang ibang pasaherong natutulog ay nagising din.
Umugong ang bulungan sa paligid. Karamihan sa mga pasahero ay nagtatanong kung anong nangyayari at bigla na pamang tumigil ang bus na lulan sila.
“May tatlong kotse po ang nagkabanggaan sa harapan. Nakaharang sa Kaybiang Tunnel. Mukhang hindi po tayo makakadaan hangga’t hindi naaalis ang mga iyon,” iyon ang mahabang anunsiyo ng driver.
BINABASA MO ANG
ERASTHAI SERIES BOOK 2: No Ide, No Entri (COMPLETED)
General FictionJameson Ramirez promised to love his first love to his grave. And when she went missing, he bowed to find her and never to love any other woman than her. He treated women like cars. Pwedeng gawing koleksiyon. Madaling bilhin, madaling palitan. But w...