A day past in a blur.
Idelaide found herself beside the shore and waiting for her partner. Pinaglalaruan niya ang flower crown niya sa kamay para mawala ang pagkainip niya.
Beach wedding ang tema ng kasal kaya naman sa dalampasigan ng Isla Buenavista iyon ginanap. At ilang minuto na lamang ay magsisimula na iyon. Kaya nga lamang ay nakahanay na lahat ng abay ay wala pa din ang kapartner niya.
"Baby, naiinip na si mommy," hinaplos niya ang sariling tiyan. Napangiti pa siya nang maramdaman ang paggalaw niyon.
Ilang segundo ang lumipas ay lumapit sa kaniya si Kind, ang wedding planner ng kasal na iyon. She really likes her name. And it suits her perfectly. But Kind likes to be called 'K'. Ilang ulit niyang tinanong dito kung bakit ayaw nito magpatawag ng Kind ngunit hindi naman siya nito sinasagot.
"K, bakit wala pa din ang partner ko? Magsisimula na ang kasal," nakakunot ang noo na tanong niya.
"Sorry, Ide. Nalimutan kong sabihin sayo kahapon na napalitan ang kapartner mo. Yung totoo mo dapat kasing partner ay nasa Singapore pa din hanggang ngayon," hinging tawad nito sa kaniya.
Mas lalo namang lumalim ang gatla sa noo niya. "Kung ganoon naman pala na hindi siya makakadating, dapat matagal pa lang sinabi na niya. K naman e, ni hindi ko nga kilala yung partner ko dapat."
"Sorry talaga, Ide." Napalinga ito sa likod niya. "Hayan na pala ang bagong kapartner mo," sumenyas ito sa kung sino na nasa likod niya. "Osige, dyan na muna kayo. We'll start in a minute," tumalikod na ito sa kaniya at inasikaso ang iba pang mga abay.
Napalingon naman siya sa sinasabi ni K na bago niyang partner. Nagtama ang mga mata nila.
Tila tumigil sa pagtibok ang puso niya nang mapagsino ang sinasabi nito. Nabitawan ng nanginginig niyang mga kamay ang flower crown na hawak.
"J... J-jameson," mahinang bulong niya sa hangin.
He looked freshly shaved. Medyo namayat ito ngunit nakadagdag lamang iyon sa kagwapuhan ng binata.
Parang gustong manlambot ng mga tuhod niya. Why him? Why now? Is she ready to face him after six months?
Kinapa niya ang puso. Mas nananaig ang pagka-miss niya sa binata kaysa sa galit dahil sa ginawa nito sa kaniya anim na buwan na ang nakakaraan.
Agad siyang nagbaba ng tingin. Ngunit hindi nakatakas sa paningin niya ang pag-awang ng labi ng binata habang nakatingin sa malaki na niyang tiyan.
Ano ang dapat niyang sabihin dito? Wala na siyang maitatago. At wala na din siyang mapagtataguan.
At dahil sa baba siya nakatingin, kitang-kita niya ang maputi nitong nayapak na mga paa na tumigil sa tapat niya.
"Idelaide..."
Mariin siyang napapikit. Simpleng pagbigkas lamang nito sa pangalan niya ay malakas na kaagad ang tahip ng dibdib niya.
Dinampot nito ang nailaglag niyang flower crown. "Here," naramdaman niya ang pagpatong niyon sa ulo niya. "Beautiful."
Her breathing hitched. He has the same effect on her. Her heart won't stop ramming inside her chest.
Kinuha nito ang kamay niya at inilagay iyon sa braso nito.
"Let's go," mahinang bigkas nito. Sapat lamang para marinig niya.
Nag-angat siya ng tingin dito. "Ha?"
"Let's go. Nagsisimula na ang kasal. Tayo na ang susunod..." napamaang siya dito. Parang iba ang naging pakahulugan ng sinabi nito sa kaniya.
"Susunod?"
BINABASA MO ANG
ERASTHAI SERIES BOOK 2: No Ide, No Entri (COMPLETED)
General FictionJameson Ramirez promised to love his first love to his grave. And when she went missing, he bowed to find her and never to love any other woman than her. He treated women like cars. Pwedeng gawing koleksiyon. Madaling bilhin, madaling palitan. But w...