A/N: Dalawang magkasunod na chapter pambawi naman sa inyo. Salamat sa paghihintay. Happy Reading. Please expect some typos.
Hellllloooo lotiste and 2NE1_Blackjack 💖💓
Matamang tinitigan ni Idelaide ang pregnancy test kit na binili niya sa pharmacy bago siya umuwi kanina. At gaya nga ng nauna nang maipamalita sa kaniya ni Dr. Deveza, dalawang pulang linya ang lumabas na resulta niyon.
She is really pregnant with Jameson's baby.
Nagpabiling-biling siya sa higaan. Paano ko naman kaya sasabihin ito kay Jameson?
Kailangan niyang makahanap ng magandang timing. Baka bigla na lang itong mahimatay pag nalaman nitong tinapos na niya ang pagkabinata nito.
E siya kaya itong mahalay! May kung ano sa kaniya ang kinakabahan sa magiging reaksiyon ng binata.
Napatingin siya sa cellphone. Wala pa ding text o misscall man lang galing sa hudyong iyon. Ni hindi din ito nagrereply sa mga text niya. Naiirita na tuloy siya.
Malalakas na katok mula sa pintuan ang nagpabalik sa ulirat niya.
Inis siyang bumangon sa kama at tinungo ang pinto. Sino na naman kaya ang mambubulabog sa kaniya ng ganitong oras? Nakakadagdag lang iyon sa pagkairita na nararamdaman niya.
Marahas niyang binuksan ang pinto at nakita niya si Jameson na nakatayo sa tapat niyon.
"Surprise, honey--"
Inis na sinaraduhan niya ito ng pinto. Ang hudyong ito. Ni hindi man lang nagparamdam sa kaniya buong araw!
"Honey! Buksan mo ito? Please! Buksan mo ang pinto!" malakas na sigaw ni Jameson mula sa labas habang nilalagabog ang pintuan niya.
Umirap lamang siya sa hangin at bumalik sa kuwarto. Itinago niya ang PT kit sa drawer ng vanity mirror niya.
"Ide?! Please! Buksan mo na!" Nagma-marcha siyang bumalik sa pintuan at binuksan iyon.
"Honey--"
"Umuwi ka na! Gabing gabi nambubulabog ka!"
"Honey naman, hindi mo man lang ba ako na-miss? Dumiretso pa naman ako dito kasi miss na miss na kita--"
"Hindi! Hindi kita na-miss, tsaka..." bahagya siyang nag-lean dito at napatakip ng ilong. Nag-isang linya ang kilay niya. "...ano ba yang amoy mo! Ambaho-baho mo!"
Agad niyang isinara ang pinto. Narinig na naman niya ang malakas na pagsigaw at pagkatok nito.
"Hindi naman ako mabaho, honey e! Open this goddamn door please?"
Humalukipkip siya. "No! Hindi kita papapasukin dito hangga't mabaho ka! Maligo ka ng tatlong beses!"
Naiirita siyang bumalik sa kama. Sa totoo lamang ay miss na miss na din niya ito. Kaya lamang hindi niya malaman kung bakit ang baho-baho ng amoy nito.
Ilang beses pa niyang narinig ang pagsigaw nito at ang sunod sunod nitong pagkatok bago niya narinig ang malakas na lagabog ng pagbukas at pagsara ng pinto sa katabi niyang unit na inookupahan ng binata.
***
Mga katok sa pintuan ng unit niya ang gumising sa kaniya. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya kakahintay sa binata. Kinusot niya ang mata at tiningnan ang oras sa cellphone niya. Mag-aalas dyis na ng gabi. Isang oras siyang nakatulog.
BINABASA MO ANG
ERASTHAI SERIES BOOK 2: No Ide, No Entri (COMPLETED)
General FictionJameson Ramirez promised to love his first love to his grave. And when she went missing, he bowed to find her and never to love any other woman than her. He treated women like cars. Pwedeng gawing koleksiyon. Madaling bilhin, madaling palitan. But w...