THREE

4.7K 119 8
                                    

Idelaide never liked loud music. Ngunit hindi naman niya ma-hindi-an si Lawrence nang magyaya itong mag-bar para i-celebrate ang paglipat nito sa ospital nila.

Sa totoo lang ay hindi niya alam kung dapat ba talagang i-celebrate yun, at mas lalong hindi niya alam kung bakit gustong lumipat doon ni Lawrence gayung ang dami-daming branch ospital ng Gallego Group na wala pa sa bingit ng bankruptcy hindi gaya ng ospital nila. And for Pete’s sake, anak ito ng CEO ng Gallego Group! What could he possibly get from transferring into their hospital?

She faced palm. Hindi na talaga niya maintindihan ang lalaking iyon. At ngayon kanina pa niya hinihintay si Lawrence dahil naipit daw ito sa traffic.

Naupo siya sa counter stool at umorder sa nakatalikod na bartender ng resto-bar na iyon.

“Isang baso ng Jameson Irish whiskey, please,” umorder siya ng paborito niyang whiskey. Bukod sa nagagandahan siya sa pangalan niyon, nasasarapan din siya sa whiskey na iyon. Kung matatagal din naman pala si Lawrence e mas mabuti na siguro na ma-enjoy niya ang sarili niya. Kelan ba siya huling uminom ng alak? O nagpunta man lang ng bar? She doesn't seem to remember.

“Here’s your whiskey, Miss,” inabot ng bartender sa kaniya ang order niya. Bahagya pa siyang nagulat nang makitang si Creig Mckracken iyon. Who wouldn't know this man? He own multiple chains of hotels, restaurants and bars. He is the highest paid chef in the country and a prominent businessman. Not to mention his good looks. A Fil-Am well sought bachelor.

“Thanks,” bahagya siyang ngumiti dito. The man smiled back that made him more handsome. But definitely not her type ‘handsome’.

She really is a fan of food. Kaya niya nakilala ang taong ito. Mahilig siya magbasa ng mga magazine na palaging may kinalaman sa pagkain na pampalipas oras niya kapag wala masyadong pasyente sa ospital. At wala pa yata siyang nababasang magazine na hindi na-feature si Creig. One thing she isn't a fan of? Well, machines. She really doesn't like machineries, cars and planes. For her, humans are like machines, they are encoded with a mind that is hard to decipher.

Inisang lagok niya ang alak. Gumuhit iyon sa lalamunan niya. Umorder pa uli siya, at umorder, at umorder.

Malapit na siyang mainis dahil ang tagal tagal ni Lawrence.

“Bat ka naglalasing mag-isa, Miss?” tanong ni Creig nang umorder uli siya.

“Nothing. I just celebrating someone’s one life,” binigyan siya nito ng ‘I don’t get it’ look, at ngumiti lang siya dito at umorder uli.

“I’ll just go to my friends, Miss?”

“Famini.”

“Oh, that’s kinda familiar.”

“I’m not unique, I guess.”

“Everybody's unique in their own way. Being familiar to someone doesn't always mean you are common.”

“You have a sweet tongue, Mr. Mckracken.”

Creig just shrugged his shoulders while smiling. “Anyway, I’ll be off to my friends on the VIP area. One of my bartenders here, Roy, will accommodate you. Sana lang hindi ka masyadong mag-inom.”

“I’ll be okay, thanks for your concern,” tumalikod na ito sa kaniya at tila may kinakausap na lalaki. Ito siguro ang sinasabi nitong bartender. Inisang lagok muli niya ang whiskey. Masisikmuran na talaga niya si Lawrence pag nagkita sila.

Tipid na ngumiti sa kaniya si Roy nang iabot nito ang order niya. Bahagya siyang natigilan sa hindi niya malamang dahilan. This man has a different aura from Creig. Tipid itong ngumiti sa kaniya bago siya tinalikuran. Matiim pa siyang napatitig sa likod nito bago ininom ang ibinigay nitong whiskey. Gumuhit iyon sa lalamunan niya at ramdam niya ang mumunting pagkahilo doon.

ERASTHAI SERIES BOOK 2: No Ide, No Entri (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon