A/N: Kung nabasa niyo na ang Giovanni's Anni, I'm sure magiging familiar sa inyo ang isa sa mga scenes dito. Lagi kong pinapaalala na sa mobile lang ako mag-aupdate. So expected ang typo hehehe.
Hi po kay lotiste 💖💓 Thank you so much for supporting my works. Happy Reading! Lovelots.
Three days have passed in a blink.
Inabala ni Idelaide ang sarili sa pagtratrabaho. Umaasa siyang ang pag-aasikaso sa mga pasyente ang magpapa- divert sa atensiyon niya dahil sa mga nangyari noong nakaraang araw.
Balik siya sa dati niyang buhay. Sa nakalipas na tatlong araw ay sa ospital na naman siya natutulog. Ayaw niyang umuwi dahil baka maabutan niya doon si Jameson. Hindi pa niya ito kayang makita. She even turned off her phone, kahit pa hindi naman siya sigurado kung tatawagan ba siya nito.
He just let her walk away three days ago, remember? Na para bang wala lang dito kahit umalis siya.
She thought, partly it's her fault too. Una pa lamang, alam naman niya na si Jameson ang isang klase ng lalaki na magaling makipaglaro sa mga babae. Pero hindi pa din niya napigilan ang sarili na mahulog dito.
But she can't resist his charms. Her heart fall in his trap. Kaya wala siyang karapatang sisihin ito. Wala naman silang label. She is just one of those women who had a one night stand with him.
No strings attached. Nothing more, nothing less. A fang of pain bit her heart.
She wants to punch her heart because she still missed him despite of what happened.
She felt somehow guilty too. Hindi kasi niya masabi kay Alliah ang kasalukuyang nangyayari sa kaniya. Ayaw kasi niyang madagdagan pa ang alalahanin nito. So she kept everything inside, and acted as if everything’s okay.
When in reality, nothing’s okay.
Especially her heart. It was shattered into tiny bits.
She can still remember what happened after she run away from Ramirez’s mansion three days ago.
Hilam ang luha sa mga mata na dumiretso siya sa bahay nila Batangas. Ni hindi na niya nabati ang mayordoma niyon at ang iba pang caretaker na nag-alaga ng bahay nila, at nag-alaga din pati sa kaniya.
She just rushed into her old bed room and locked herself in.
Natigilan siya ng mahagip ng mga mata niya ang malaking larawan nila ng ate niya na nakasabit sa dingding ng kaniyang kuwarto.
It was the six-year old her and the nine-year old Iyah. They are hugging each other and smiling widely on the camera.
Nag-unahang tumulo ang luha niya.
For the first time in her life, she felt jealous of her Ate. She felt defeated.
I love the man you love, Ate. What should I do?
Kinagabihan ay napagdesisyunan niyang ayusin ang sarili at lumabas na ng kuwarto. Paglabas pa niya ay naghihintay nasa kaniya ang mga katulong ng bahay. Ang mga taong nag-alaga sa kaniya.
Isa-isa niyang niyakap ang mga ito at nagpahanda ng maliit na salu-salo para sa kanilang lahat. Ipinatawag din niya ang lawyer nila at chineck ang estado ng mga negosyong naiwan niya sa Batangas. Kahit papaano ay nabawasan ang alalahanin niya matapos malaman na okay naman ang takbo ng mga iyon.
Nag-empake siya ng kaunting damit at noong madaling araw ay bumiyahe na pabalik sa Maynila. Mabuti na lamang at may extra siyang uniporme sa locker niya dahil naiwan niya ang suot na uniporme na naka-paper bag kotse ni Jameson.
BINABASA MO ANG
ERASTHAI SERIES BOOK 2: No Ide, No Entri (COMPLETED)
General FictionJameson Ramirez promised to love his first love to his grave. And when she went missing, he bowed to find her and never to love any other woman than her. He treated women like cars. Pwedeng gawing koleksiyon. Madaling bilhin, madaling palitan. But w...