A/N: Please expect typos. I literally wrote this whole night. At medyo bangag pa ko ngayon sa kawalan ng tulog. Pagpasensiyahan niyo na huhuhuzz. Happy Reading.
Nanginginig ang mga kamay na tinawagan ni Idelaide ang numero ni Alliah.
"P-please, Alliah. Pick up."
Paulit-ulit na nagrereplay sa utak niya ang mga nakita niya sa condo unit ni Jameson. Para iyong sirang plaka sa isip niya.
Napahagulgol siya at sinuntok-suntok ang dibdib kung nasaan ang puso niya. Is love really this painful? She is just trying to love him but how can loving him end up like this?
"Akala ko ba mahal mo 'ko? Sabi mo mahal mo 'ko!" galit ng bulong niya sa hangin. "Paano na ako ngayon? Paano na ang baby natin?"
Pinunasan niya ang luha mula sa nanlalabo nang mga mata, ngunit nakakailang punas na siya ay may mga bagong luha na naman na pumapalit doon.
"Miss, okay ka lang ba?" narinig niyang tanong sa kaniya ng taxi driver. "Kung buntis ka, wag ka masyado umiyak. Kawawa naman ang baby mo. Nararamdaman niya ang nararamdaman mo."
Pilit siyang ngumiti. "Salamat po, manong. Ayos lang po ako."
Ilang beses pang nag-ring ang numero ni Alliah bago iyon sinagot ng kaibigan.
"Hello, Ide? What's the matter? Pasensiya ka na, kakatapos ko lang mag-asikaso ng pasyente. Nasa Batangas ka na ba? Kamusta ang party?"
"Alliah..." aniya sa pangalan nito. Pinipigilan niya ang garalgal na tinig, pero sa huli ay lumabas din iyon at alam niyang narinig iyon ng kaibigan.
"Idelaide? Umiiyak ka ba? Anong nangyari?" nag-aalala nitong tanong. Nag-umpisa na namang mag-unahang magmalibis ang luha niya na hindi na yata mauubos.
"Alliah. H-help me, please. P-papunta akong airport. I... I want to r-runaway."
"What?! Why? What's going on? Idelaide, tell me."
"Please, Alliah. I'll tell you later. Just help me now. I want to runaway to somewhere far. Yung walang nakakilala sakin. Yung hindi kaagad ako mahahanap. Tulungan mo naman ako," pagmamakaawa niya dito.
Hindi niya alam kung tama ba ang gagawin niya, kaya lamang, masakit ang puso niya at iyon lamang ang nag-iisang bagay na naiisip niyang gawin.
Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng kaibigan sa kabilang linya. "I know an island, and it's really far. Nasa dulo na iyon ng Pilipinas. May mga kakilala ako doon na makakatulong sayo. I'll book a flight for you on the nearest airport there. I'll call you again after I book your flight."
"Salamat, Alliah. Don't... tell this to anyone. A-and please, can you go to my apartment? I don't have anything with me."
"Okay. I'll get your things. But you need to tell me what's going on after you get to the island."
"I'll tell you later. I promise."
"Sige na. Magkita na lang tayo sa Alejandro Airlines. Mag-ingat ka dyan, okay? Don't do anything stupid and wait for me."
"Thank you, Alliah."
"Don't mention it, Ide. Just wait for me."
Ibinaba na nito ang tawag. Tila napanatag naman ang loob niya.
"Manong pakibilisan po ang takbo. Sa Alejandro Airlines po tayo."
"Sige po, Ma'am."
This is the right thing to do... Napatitig siya sa bintana. Yeah. The right thing to do.
BINABASA MO ANG
ERASTHAI SERIES BOOK 2: No Ide, No Entri (COMPLETED)
Ficção GeralJameson Ramirez promised to love his first love to his grave. And when she went missing, he bowed to find her and never to love any other woman than her. He treated women like cars. Pwedeng gawing koleksiyon. Madaling bilhin, madaling palitan. But w...