Maagang nag-out si Idelaide sa ospital at dumiretso sa Elise's. Nag-half day lamang siya sa trabaho dahil iyon ang naging usapan nila kagabi ni Jameson. Bahagya pa siyang nainis dahil isang oras na siyang naghihintay sa binata sa parking lot ng ospital. Nangako kasi ito sa kaniya kanina na susunduin siya nito.
Ngunit nakakain na siya lahat- lahat ng tanghalian sa mini-cafeteria ay hindi pa din ito dumadating. Nakapatay din ang cellphone nito na mas ikinakunot ng noo niya. Nainip na siya paghihintay kaya naman nag-taxi na siya papuntang Elise's dala ang paperbag na may two-inched heel niya. Umaasa siyang naroroon na ang binata sa boutique.
Nang makadating siya sa boutique, sinalubong agad siya ng isang sopistikadang babae. Nakangiti itong lumapit sa kaniya.
"You must be Idelaide, right?"
Bahagyang kumunot ang noo niya. "Yes. How do you know my name?"
Naglahad ito ng kamay. "Oh dear. I'm Elise. I'm Giovanni's older sister, by one year. I knew your name through Annina, and Jameson also."
Ngumiti din siya at tinanggap ang kamay nito. "I'm Idelaide Famini. I... I'm--"
"Jameson's mushy lovey honey... cupcake, sweetiepie-- anything you want to call it. I know it, sweetie. Jameson told us. I can't even believe it at first, because that cunning man was a serial murderer of women's heart. But we saw how serious he was. He's lucky to have you."
"And I'm lucky to have him too."
"I'm sorry about Iyah anyway. Pinaasikaso na namin ang puntod niya para sayo. You can visit her anytime," she gave her an emphatic smile.
"It's okay. Matagal ko naman ng tanggap na wala na si Ate Iyah. That woman-- just gave me a false hope for thinking that my sister might still be alive. And thank you for what you did to my Ate's grave. I'll visit her as soon as possible."
"Alright. Let's forget about all of this drama. Magkaka-wrinkles lang tayo niyan e. Tara na sa loob."
"Oo nga, Ate Elise." Nagkatawanan pa sila bago tuluyang pumasok sa loob ng boutique na pagmamay-ari nito.
Hindi na naitago ni Ide ang gulat nang madatnan niya ang tatlo sa mga ugok na kaibigan ni Jameson na magkakatabing nakaupo sa mahabang sofa. Pare-pareho itong nakasuot ng mamahaling mga suit at mga mukhang bored na pinagdidiskitahan ang mga clothing magazine ng boutique.
Nakilala niya ang mga ito isang araw bago siya lumuwas pabalik sa Maynila. Nakilala din niya ang isa pa sa mga kaibigan nito, si Edward Lai, na kauuwi lang pala galing London at babalik din doon pagkatapos ng engagement party nila Annina at Gio ngayong gabi.
"Gentlemen, Idelaide is here. Say hi," nakangiting sabi ni Ate Elise ngunit hindi natinag ang tatlo sa mga ginagawa nito.
Gusto sana niyang pigilan ang mga ito sa ginagawang pagme-murder sa magazine. Sa tingin niya ay hindi lang simpleng pagka-bored ang nararanasan ng mga ito.
"Hi, Miss Famini," seryosong-seryoso na sabi ni Carlos habang ginugupit ang mga modelo ng damit na nasa magazine. Ni hindi man lang ito humarap sa kaniya nang bumati ito.
"Hi, Miss Beautiful," hindi din sumulyap sa kaniya na pagbati ni Mirkov. Busy din ito sa paggugupit ng iba't ibang klase ng damit sa isa pang magazine.
"Hi, Miss Ide," at gaya ng naunang dalawa, busy din si Treb. Ipinaparis nito ang mga nagupit na damit ni Mirkov sa mga modelo na nagupit ni Carlos at pinagdidikit ang mga iyon gamit ang glue.
Hindi makapaniwalang napasulyap siya kay Ate Elise. "Naku, ganiyan lang talaga sila pag-bored. Pang-ilang magazine na iyan na tinotorture nila. They are like super duper ultraomega intergalactic idiots. And believe me when I say they can do more than that."
BINABASA MO ANG
ERASTHAI SERIES BOOK 2: No Ide, No Entri (COMPLETED)
Algemene fictieJameson Ramirez promised to love his first love to his grave. And when she went missing, he bowed to find her and never to love any other woman than her. He treated women like cars. Pwedeng gawing koleksiyon. Madaling bilhin, madaling palitan. But w...