~ UNANG KABANATA ~
Tuwing ikalimangdaang taong, isang maalamat na elemist ang isisilang bilang tagapagmana ng isang pambihirang kapangyarihan mula sa Pinakabanal na Bathala, ang namumuno sa Katipun ng mga Diyos sa Banal na Lupa. Ang ipagkakaloob na kapangyarihan ay kakailanganin ng Maalamat na Tagapagmana sa pagtupad ng kanyang kapalaran.
Sa kasamaang-palad, iilang nakaraang tagapagmana ang tinangkang abusohin ang kanilang namanang kapangyarihan at ginamit ito nang may kalabisan.
Sampong siglo na ang nakalilipas nang muling isilang ang panibagong Maalamat na Tagapagmana. Ngunit hindi tulad ng mga tagapagmanang mas nauna sa kanya, kasabay nitong isinilang ang kanyang Pangtutol.
Ang Pangtutol ay magsisilbing natural na pangtakip ng umaapaw na kapangyarihan ng Maalamat na Tagapagmana. Sa tulong niya, hindi basta bastang maaabuso ng tagapagmana ang kanyang kapangyarihan. Ang Pangtutol ay hindi rin kailan man matatablahan ng kapangyarihan ng Maalamat na Tagapagmana kaya hindi niya ito basta-bastang mapupuksa kung magtangka man siyang abusuhin ang kanyang kapangyarihan.
Akala ng Pinakabanal na Bathala ay matagumpay ang kanyang ginawang hakbang ngunit nagdulot ito ng isang kasawian. Nais ng bagong tagapagmana na tuluyang mangibabaw sa lahat sa pamamagitan ng pangkalahatang pagwasak at muling pagbuo ng kanyang sariling mundo. At dahil hindi lubusang magamit ng tagapagmana ang kanyang kapangyarihan ay nagalit ito ng lubosan. Tinangka niyang tapusin ang Pangtutol ngunit nalaman niyang walang silbi ang sariling kapangyarihan pagdating sa kanya. Ngunit isang paraan ang kanyang nabuo, inutosan niya ang kanyang pinakamalakas na tauhan na patayin ang kanyang Pangtutol. Naging matagumpay ito. Napaslang ang Pangtutol sa harap mismo ng tagapagmana.
Dahil sa pagkawala ng Pangtutol, tuluyan nang nagamit ng panibagong tagapagmana ang kabuoan ng kanyang kapangyarihan. Sinimulan niya agad ang kanyang balak na pangkalahatang pagkawasak. Isa iyon sa pinakamadilim na yugto ng Elementa.
Sobrang naawa ang Pinakabanal na Bathala sa mga inosenting nilalang at mamamayan na walang humpay na kinikitil ng bagong tagapagmana. Dahil hindi siya maaaring direktang makilahok sa ibaba ay isang paraan ang kanyang naisip. Lumikha siya ng dalawang nilalang na may sapat na kapangyarihan upang iligtas ang Elementa sa kamay ng panibagong tagapagmana.
Bilang isang bathala, dapat pantay siya sa lahat, kaya binigyan niya rin ng pagsubok ang dalawang nilalang bago ipadala sa ibaba. Kailangang matutunan muna nilang gamitin ang kanilang kapangyarihan na may pagkakaisa. Kailangang walang bahid ng pagtataksil ang kanilang puso. At kailangang kailanman ay hindi sila papanig sa kadiliman. Napagtagumpayan nila ito. Kaya sa tulong ng banal na basbas ng Pinakabanal na Bathala ay ipinadala niya ang kanyang nilikha sa ibaba.
Iyon ang unang pangyayari na nagkaroon ng kambal sa mundo ng Elementa. Dala-dala nila ang pangalang angkan na Borosque, isang tinaguriang milagro na sumibol sa panahon ng pinakamadilim na yugto ng Elementa.
Dahil sa pinagsamang kapangyarihan ng kambal ay natalo nila ang Maalamat na Tagapagmana, at muling nanumbalik ang kaayusan ng kalupaan. Bilang pasasalamat ng Pinakabanal na Bathala sa kambal na kanyang nilikha ay pinagkalooban niya ito ng isang kahilingan. Dahil napalapit na rin ang dalawa sa mga nilalang at mamamayan sa ibaba ay hiniling nila na kung maaari ay mamuhay sila kasama ito. Tinupad ng bathala ang kanilang kahilingan sa kondisyong babalik ang angkan nila sa itaas sa pagsilang ng panibagong tagapagmana. Hinayan niyang mamuhay ang kambal sa ibabang kalupaan at hindi na binawi pa ang kanilang taglay na kapangyarihan, nang sa ganoon ay manatiling dumadaloy ang milagrong ipinagkaloob niya sa Elementa nang pansamantala.
Paglipas ng ilang siglo ay muling isinilang ang panibagong Maalamat na Tagapagmana kasabay ang kanyang Pangtutol. Sa takot na mangyari muli ang kasawian na naranasan mula sa nakaraang tagapagmana, maraming hakbangin ang ginawa ng Pinakabanal na Bathala. Ginawa niyang magkabiyak ang puso ng Maalamat na Tagapagmana at ng kanyang Pangtutol, nang sa ganoon ay hindi na pagtangkaan pang muli ng tagapagmana ang buhay ng kanyang Pangtutol. Mamumuhay sila nang kaagapay ang bawat isa at katuwang sa anumang pagsubok na kanilang kahaharapin.
BINABASA MO ANG
FEUTERACRIA : School for Elemental Users
General FictionFirst Elementa Series A coincidence, or not. Alexis Donn was very happy after receiving a letter of admission from FEUTERACRIA during her 18'th birthday. Since when she was a child, it's her dream to enter Elementa --- the world for elemental users...