Chapter 5: Farewell Sunset

399 19 2
                                    

ALEXIS

Pinahiran ko ang pawis sa aking noo. Sa wakas ay natapos din ako sa pag-iimpake. Hinanda ko ang aking mga dadalhing damit at ibang personal na gamit. Si Auntie na lang daw ang bahala ng iba ko pang kailangang dalhin.

Tomorrow is the big day. Papasok na ako ng Feuteracria. Apat na araw na rin ang nakalipas, apat na araw na puno ng pagsasanay. Such a pain in the ass. Peeo nagpapasalamat din ako kahit papaano dahil medyo napapadali na para sa akin ang pagkontrol ng aking kapangyarihan. Kunting techniques lang ang natutonan ko, pero sabi ni Zach ay tama na daw yun. Marami pa raw akong matututunan sa pagpasok ko ng Feuteracria.

Speaking of that man, napangiti ako nang bahagya. Sa ilang araw na magkasama kami ay naging sobrang malapit ako sa kanya. Madalas din kaming nagkukulitan kahit habang nag-iinsayo. Pero syempre hindi ko pa rin siya natatalo. Come on, he's pretty strong. Siguro sa loob din ng ilang araw na yun narealize ko na talagang merong kakaibang koneksiyon ang namamagitan sa amin. Wala naman akong makitang mali. At wala ka nang hahanapin pa sa kanya, I swear.

This abnormal feeling again.

Inayos ko muna ang sarili ko at bumaba na. Tinignan ko ang kulay pulang kalangitan na medyo dumidilim na dahil sa papalubog na araw. The sun is already setting, one view I'm gonna miss. Ilang buwan din akong mawawala rito.

"Are you done packing your things up?" nakangiting tanong sa akin ni Auntie. Kararating niya lang kahapon.

"Yes, Auntie. I didn't bring much just like what you said."

"That's great. Fueteracria will provide, so you don't have to worry."

"Anyway, nasaan si Zach?"

"Ahhh yes, before I forgot, sabi niya puntahan mo raw siya sa verandah." Kahit nagtataka ay napatango nalang ako.

"Sige, auntie, puntahan ko lang yung lalaking yun."

"Okay." Kinindatan pa ako ni Auntie.

Tinahak ko na ang daan papuntang verandah. Nang makarating ako ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Nakatalikod na Zach ang sumalubong sa akin. Nakatingin siya ngayon sa papalubog na araw.

"Beautiful, isn't it?" bulong niya kahit nakatalikod. Siguro tinutukoy niya ang sunset kaya napatingin din ako dito.

"Absolutely. "

Dahan-dahan siyang humarap sa akin. Napatingin ako sa hawak-hawak niya. Isang pulang rosas. Lumapit siya sa akin at nginitian ako kaya nginitian ko rin siya nang tipid.

Awkward ang atmosphere.

"And I give this rose to the most beautiful thing my eyes have ever laid on."

I blushed when he kissed the rose and gently stretched his arm to give it to me. Awkward na tinanggap ko naman ito.

"Are you excited for tomorrow?"tanong niya. Napasandig kami sa pader ng verandah habang nakatitig lang sa nakalubog na araw. Tuluyan nang dumidilim ang paligid.

"Extremely excited. Alam mo namang matagal ko nang pangarap ang makapunta sa Elementa at makapag-aral sa Feuteracria." More than that, I also wanted to meet lot of people.

"That's good to hear."

Ako lang ba? Ako lang ba ang nakararamdam na mukhang may lungkot ang aura niya ngayon. Parang hindi naman kami magkikita sa FEUTERACRIA.

Napatingin ako sa kanya nang inakbayan niya ako.

"After waiting for more than a decade, I only got several days to be with you again. It's quite unfair," bulong niya habang nakatingala sa mga bituin na unti-unting nagsisilabasan.

FEUTERACRIA : School for Elemental Users Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon