EMILY
It's exactly 12:00 midnight. Kaya naman ay lumabas na ako sa aking kuwarto. Nadatnan ko sa sala si Nicholas na mukhang handa na rin sa aming gagawin. Napalingon siya sa akin at nginitian ako pero tinanguan ko lang siya.
"Nervous?" nakangiti niya pa ring tanong.
He's always like that, especially if only the two of us are around. Palagi siyang nakangiti to the point na nagmumukha na siyang baliw. I know that he's a serious person. He's just wearing a mask to hide the reality he's born with.Tinanguan ko na lang siya ulit bilang sagot sa kanyang tanong. Umupo na rin ako sa sofa, pero may distansiya pa rin kami sa isa't isa.
"Your hair - " bulong niya kaya napalingon ako sa kanya. Napahawak naman ako sa aking buhok.
"What's wrong about it?" nakataas kilay kong tanong sa kanya. Napailing lang siya at napangisi.
"Nothing. Pansin ko lang na medyo humahaba na ang buhok mo." Pinaningkitan ko siya ng mga mata.
"Got any prob with that?" tanong ko sa kanya.
"Wala naman. Sana pati yung pananalita mo ay humaba rin," nakangisi niyang sabi. It's funny. But no way in hell I'm gonna laugh out loud in front of him.
"Whatever." I even rolled my eyes while saying that and divert my attention to other things.
I admit, he has this unexplainable effect in me every time he's near. I bit my lip. My chest is pounding erratically. What are you always doing to me, Nicholas Fieldrich?Aminado akong may nararamdaman ako sa para kanya. I can never fool myself. I mentally sighed. At alam kong walang patutunguhan itong aking nararamdaman.
He's Nicholas Fieldrich, the son of the richest man in Elementa. And I'm Emily Smith, the tiniest particle in this world we live in.
Gross, I'm being creepy again.
"Ang sungit mo naman, miss," nakangisi niyang pahayag at sumipol pa. Hindi ko na lang siya pinansin, tulad nang palagi kong ginagawa. And heaven knows how I wanted to talk to him so much. But hell knows why I ain't gonna do that.
Sabay kaming napalingon kay France na lumabas mula sa kusina. Hanggang ngayon ay medyo palaisipan pa rin sa akin ang nangyari sa kanya kamakailan lang. That was the first time I saw her puzzled and confused. Mabuti naman at maayos na ang kanyang kalagayan.
"My gosh, I really miss Alexis-girl," nakasimangot niyang sabi. Me too. Nasanay na kasi ako na araw-araw ko siyang nakikita. Masyadong nakakapanibago lang pag wala siya sa paligid.
Napangiti ako sa aking isipan. Naalala ko na naman ang una naming pagkikita. She's the first one I befriended among the four of them. Medyo matagal na rin pala simula nang araw na yun. At first, I really thought that I'm going to be a loner just like what I used to, but Alexis came and changed everything. And I will be forever thankful to her for that. Because of her, I found a family.
"Nasaan na si Matthias? He's taking so much time." Naagaw ng nagrereklamong si Nicholas ang diwa ko.
"Malapit na siyang matapos. It's not that easy to make an exact copy of that key," pagtatanggol ni France kay Matthias. Kanina pa kasi sila gumagawa ng replica ng susi sa Restricted Section ng School Library.
Yes, we have been working all this time. At ngayon nga ay ang panahon na napagpasyahan naming pumasok sa Restricted Section. Nalaman namin na may librong naroroon na nagtataglay ng impormasyon tungkol sa Golden Grail.
And we want to read it, or get it.
Kung iisipin ay madali lang sana ang pagpuslit namin papunta roon gamit ang portal ni France. Dahil pinag-aralan niya ang paligid ng Restricted Section, nalaman niyang hindi basta basta ang pagpasok doon. There's a strong energy field around the place that blocks any illegal entrance. The only way in is through it's door. At ang susi ng pintong iyon ay palaging dala-dala ni Miss Monticillo.
BINABASA MO ANG
FEUTERACRIA : School for Elemental Users
Ficción GeneralFirst Elementa Series A world of magic. A truth waiting to be found. On her 18th birthday, Alexis Donn entered Elementa, a realm where magic lived in every breath. But beneath its beauty, secrets stirred, and whispers of an ancient mystery reached o...
