Chapter 24 : The First Gate of Insignia

271 13 1
                                    

THIRD PERSON

Matapos ang laban ay agad nang nagsibalikan ang lahat sa kanikanilang mga ginagawa. Ngunit ang paligid ay may bahid pa rin ng kakaibang nasaksihan kanina.

Maraming studyante ang pinag-uusapan pa rin ito. Ang pangalan ni Alexis Donn ay kumalat na tila ba isang napakabilis na apoy.

Ngunit ang babaeng pinag-uusapan ng buong paaralan ay tahimik na nakahimlay sa isang pribadong kwarto sa loob ng paggamutan ng paaralan. Walang malay sa kung anong kasunod ang naganap. Walang ideya sa kung ano ang kinalabasan ng ginawa niya.

Marahang hinaplos ng isang babae ang maamong mukha ng dalaga.

"She's alright, Vendeta. You don't have to worry."

"I know, Valtigo. Nag-aalala lang ako kung ano ang mangyayari sa kaniya oras na malaman ito ng Council," nag-aalala nitong pahayag.

"The Council will keep an eye on her. Sa buong Elementa, tatlong tao lang ang kilala kong kayang gawin ang bagay na iyon. Kahit na hindi pa pulido at medyo mahina pa ang pagkakagawa nun ni Alexis ay siguradong hindi pa rin siya tatantanan ng Council," pahayag ng babaeng naroroon din sa loob ng kwarto.

"You're right, Luna," pagsang-ayon ng isa pang babaeng naroroon din.

"Don't worry. I'll deal with the Council. She is safe as long as she's inside the school. I will cover everything up," pagpapakalma sa kanila ni Director Valtigo. "Though I didn't expect her to perform Atlantis. Hindi ko rin alam na kaya na pala niyang gawin ito."

"Or maybe she's not aware all this time. It's her adrenaline rush which pushed her to do something like that."

"It might be the situation. Nevertheless, we shouldn't let her get loose in broad day light. May malaking papel pa siyang gagampanan, lalo na ngayon na nagpapakita ng mga senyales na buhay pa siya."

Lahat ng naroroon ay napakuyom ng matukoy kung sinong ang tinutukoy ni Luna.

"He's going to bring terror, again."

"And that's what we can't let to happen."

Biglang may lumitaw na portal sa dingding ng kwarto kaya napatingin ang lahat dito. Hindi naman sila nagulat dahil mukhang inaasahan na nila ito.

"How's my Alexis?" agad na tanong ng binatang kalalabas pa lang ng portal.

"Your witherstand is alright, Prince Zacharius," magalang na pahayag ng tinatawag nilang Luna habang nakayuko bilang pagbibigay galang sa binatang kaharap niya.

"Thank you for immediately treating her, Luna."

Agad na nilapitan nito ang dalagang payapang nakahiga. Pinagsalikop nito ang kanilang mga kamay at tinitigan nang mariin ang kabouan ng dalaga.

Ilang buwan na rin niya itong hindi nasisilayan.

"How's your life at Primosttaht?" tanong ni Director Valtigo sa binata.

"So far so good, Uncle Valtigo," magalang niyang sagot. Nilapitan ni Director Valtigo ang binata at tinapik sa balikat.

"You missed her, don't you?"

"In an exaggerated manner," natatawang sagot ng binata.

"Anyway, wala bang ibang lalaking nagpapapansin sa kanya?" Biglang napatikhim at napangisi ang lahat ng kasama niya sa loob ng kwarto.

"Stop giving me that creepy smile. I demand an answer," reklamo niya.

"We all know that she's totally bounded to you. Your connection is extremely strong so you don't have to freak out, loverboy," panunudyo ng babaeng tinatawag nilang Vendeta. Napakamot naman sa batok ang binata na mukhang natauhan agad.

FEUTERACRIA : School for Elemental Users Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon