Chapter 38 : Eyes Open

721 30 14
                                    

MATTHIAS

Matapos kaming higupin ng malakas na puwersa ay bigla kaming nalaglag sa isang madilim na silid.

What the heck just had happened to us?

Narinig ko ang iilang daing ng aking mga kasamahan na mukhang hindi rin inaasahan ang aming pagbagsak.

"Is everyone okay?" kinkabahang tanong ni France at siniguro kung lahat ba kami ay sabay sabay na nalaglag sa madilim na lugar.

She's currently trembling with fear. Hinawakan ko ang kanyang nanginginig na mga kamay at pinisil.

"All of us are here, and unhurt," pagsisiguro ko sa kanya kaya medyo kumalma na siya.

Nilapitan din ni Emily si France at niyakap niya. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang naging ganito si France.

I mean, yeah it's normal to panic due to the situation we have right now, but I know that she's good in composing her emotions. She won't easily burst out like this.

Huminga siya nang malalalim ng ilang ulit.

"Stay calm. No one's hurt," pagpapakalma ni Emily sa kanya.

"Anyway, where are we?" nagtatakang tanong ni Nicholas habang nililibot ang paningin sa lugar ngunit halos wala ring makita dahil napakadilim.

Naging alerto kami nang biglang nagkaroon ng ilaw ang silid. Agad umikot papunta sa amin ang isang upuan na nasa aming harapan pala.

Wtf? Him?

THIRD PERSON

Halos hindi sila makahinga at hindi alam ang gagawin nang mapagsino nila ang mukha na nasa kanilang harapan ngayon.

"You're at my private room, kiddos," walang ekspresiyon na pag-iimporma sa kanila ni Director Valtigo. Napataas ang kanyang kilay.

"Look what we have here. A bunch of wandering students," sabi niya habang umiiling.

Habang silang lima ay hindi alam kung ano ang magiging reaksiyon. Hindi nila inaasahan na siya ang nasa likod ng patibong.

"Mind to explain?"

Lahat sila ay napaatras at napahawak sa isa't isa nang may babaeng nagsalita na naman na nasa likoran pala nila. Hindi nila ito napansin kanina.

Naglakad ito papunta sa harapan at tumayo sa gilid ni Director Valtigo.

Anong ginagawa rito ni Miss Ana Lu?Isang tanong na nabuo sa kanilang isipan.

Nagkatinginan silang lima. Iisa lang ang sinisigaw ng kanilang isipan ngayon.

We messed up really hard.

"What did you know?" makahulugang tanong ulit ni Miss Ana. Walang emosyon ang kanyang mukha. Diritso at blankong nakatingin lamang siya sa estudyanteng nasa harap niya.

Muling nagkatinginan ang mga magkaibigan at mukhang nag-uusap-usap kung sasabihin ba nila ang kanilang nalalaman o hindi. Marahang napatango si France, maging si Nicholas. Mukhang wala na silang ibang pagpipilian pa. Nahuli na sila.

"Alam namin na si Ministro Benedicto ang salarin sa nangyari kay Helga Alborne."

Lahat sila ay nabigla nang si Emily ang nagkaroon ng lakas ng loob na sumagot. Mukha kasing naipit na ang dila ng kanyang kaibigan dahil sa kaba.

Napatingin si Miss Ana sa kanya.

Mariin din niya itong tinitigan pabalik, walang pagkakaiba ang kanilang ekspresiyon.

FEUTERACRIA : School for Elemental Users Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon