Chapter 6: Elementa

437 20 0
                                    

ALEXIS

Bigla akong napatayo dahil sa mga katok mula sa aking pinto. Napatingin ako sa aking alarm clock at agad napahilamus ng mukha dahil hindi ako nagising sa alarm ko kanina. Hindi kasi ako makatulog kagabi dahil sa sobrang excitement.

"You're a little bit late," sermon agad sa akin ni Auntie nang pagbuksan ko na siya ng pinto.

Napatango-tango na lang ako. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at mukhang alam na niya ang dahilan nang late kong gising.

"Fix yourself and eat your breakfast already."

~~~

"Anyway Auntie, nasaan si Zach? Hindi pa rin ba siya gumigising?" nagtataka kong tanong habang kumakain.

"Actually kaninang madaling araw pa siya umalis."

"Madaling araw?"

"Yes. Dapat nga kahapon pa siya umalis, ewan ko sa batang yun. Diba may pasok din naman siya?"

Bigla tuloy akong nalungkot. Kahapon kasi pagkatapos ng eksena sa verandah ay hindi ko na siya kinausap pa.

"Pero may ipinabibigay siya sa'yo. Just check his room later, doon daw nakalagay."

Ano kaya yun? Nakapagtataka naman dahil pwede namang ibigay niya na lang yun sa akin sa FEUTERACRIA. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko.

"By exactly 12:00 noon, you should be there already."

~~~

Isang oras na lang bago mag 12:00 noon. Nakahanda na rin ako. Nakapagpaalam na ako kay Auntie pati na rin sa kwarto ko at sa buong bahay. I'm gonna miss everything here.

Siguro ito na iyon. Kasalukuyan ko kasing hinahanap ang pinabibigay ni Zach sa akin. Kinuha ko ang nakapatong na papel sa mesa.

~○~
My Beautiful Alexis,

Such a sleepy head you are.
Sorry for yesterday. I already stole your first dance, that's why I don't want to steal your first kiss at the same time. Believe me, I exerted so much effort resisting your irresistible lips.

Anyway, get this peace offering of mine. Open it as soon  as you reach FEUTERACRIA.

Your Amaseur,
Zach
~○~

Napangiti ako sa iniwan niyang sulat. Tinignan ko ang isang bagay na nakapatong sa mesa. Isang cylindrical na lalagyan. Binuksan ko ito at may nakita akong parang papel na nakascroll. Hindi ko na lang binuksan nang tuluyan dahil sabi niya buksan ko to pag makarating na ako ng FEUTERACRIA.

Bumaba na ako at sinalubong ako ni Auntie sa gate. Nakaayos na rin lahat ng dadalhin ko. Bigla niya akong niyakap.

"I'm gonna miss you, Alexis. Don't worry about me here. You might discover lot of things about yourself there, but never forget who you are," makahulugan niyang sabi. Medyo naguguluhan man ay isinantabi ko na lang muna dahil naiintindihan ko namang sobrang mamimiss niya ako.

"I'll miss you too, Auntie Cynthia."

"Enough with the drama. It's time for you to go there. I'm wishing you the best of luck."

"Paano nga po pala ako makakapunta roon?"

Napatawa siya. "You didn't read the instructions, did you?"

Napailing na lang ako.

"Give me the letter."

Ibinigay ko naman sa kanya. May kinuha siyang isang papel na nakalakip doon. Inilapag niya ito sa lupa, biglang nagliwag ito at humugis bilog. Parang isang bilog na anyo ng tubig na lumiliwanag, isang portal.

FEUTERACRIA : School for Elemental Users Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon