Chapter 33 : Aftermath

339 14 0
                                        

ALEXIS

I drink the tea France made for us.

We're already here in our room. Agad kaming pinabalik sa Dormitory dahil sa pangyayari, kaya hindi na namin naituloy pa ang aming Golden Grail pursuit. Mabuti na lang at walang nasaktan sa aming lima.

Taimtim lang akong nakatingin sa labas na medyo makulimlim hanggang ngayon. Umiihip pa rin nang malakas ang hangin sa labas. Agad mong mapapansin ito dahil sa paggalaw ng mga puno. Hanggang ngayon ay hindi ko pa alam kung ano ang totoong nangyari. The school declares a Storm Warning and all classes are suspended.

But it's odd.

The storm happened in an instant, in a blink of an eye. Nalaman kong napuruhan ang West Wing ng paaralan na kung saan tumutuloy ang Council. Was it coincidental, or was it done by purpose? Sino naman ang may kakayahang gumawa ng ganoong bagay?

Kung sino man siya, nais ko siyang pasalamatan.

Pinabagal niya ang ginagawang paghahanap ng kalaban namin sa Golden Grail. It was reported that some ministerial soldiers were injured. At hanggang ngayon ay naghahanap pa rin sila ng lugar na tutuluyan nila dahil wasak na wasak ang West Wing.

In our case, wala muna kaming pasok hangga't hindi pa naaayos ang mga nasirang parte ng paaralan. Sinisiguro rin nilang hindi na mauulit pang muli ang nangyari.

Binuksan ko ang bintana ng aking kwarto. Agad sumalubong sa akin ang malamig na hangin. Malaya nitong tinangay ang mahaba kong buhok. I don't know but the weather is comforting me. It gives me a relaxing vibe.

Lumabas ako ng kwarto upang ibalik sa lababo ang tasang ginamit ko. Nadatnan ko sa sala sina France at Matthias. Sinusubukang painitin ni Matthias ang paligid. Siguro giniginaw sila. Bigla ko namang nakasalubong si Nicholas mula sa kusina na may dalang pagkain. Hindi ko nakita si Emily. Sigurado akong nagkukulong na naman ito sa kwarto niya.

Napagpasyahan naming itigil muna ang aming ginagawa. Our safety is our main priority. Hindi kami kikilos hanggang masiguro na ng paaralan na ligtas na kami.

Habang hinuhugasan ko ang tasang ginamit ay may biglang lumabas na paro-paro sa aking harapan.Ilang segundo lang ay naging bulaklak ito at marahang nalaglag sa balikat ko.

Iisa lang ang aking naalala.

That Patrickson guy who's with Zach.

Napangiti ako. Siguro dumating na rin sa wakas ang ipinangako sa akin ng lalaking yun.

"Alexis, come on join us! It's quite warm in here," masayang pag-aalok ni Matthias nang mapadaan ako sa kanila.

"Siguro magpapahinga muna ako," nakangiti kong sagot kaya napatango lang sila at nagpatuloy sa kanilang ginagawa. They're playing a board game.

Nang makapasok na ako ay napako ang tingin ko sa nakatubong halaman sa ibabaw ng maliit na mesa ng aking kwarto.

Nilapitan ko ito.

Nang makalapit na ako ay may tumubong bulaklak dito. Mula doon ay lumabas ang isang kwadradong bagay na unti-unting lumalaki hanggang maabot nito ang tamang sukat. Isang aklat, tulad ng pinangako ni Zach. Kinuha ko ito at binasa ang pamagat.

"ANG SINAUNANG AKLAT."

Nagtaka naman ako. Malinaw na sinabi ko kay Zach na ang kailangan kong malaman ay ang tungkol sa akin bilang Witherstand niya, since nalaman ko na ang tungkol sa pagiging Amaseur. Bakit mukhang iba ang ipinadala niya sa akin?

Napatingin ako sa kabuoan ng libro. Napakaluma ng desinyo nito. May kakapalan din. Hinawakan ko ang pabalat na may mga kakaibang tuyong parte ng halaman na nakabalot.

FEUTERACRIA : School for Elemental Users Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon