Chapter 13: Buch de Malefico

327 15 0
                                    

ALEXIS

Tahimik kaming nagbabasa ngayon sa loob ng library. Binigyan kami ng babasahing libro na tungkol sa Forbidden Objects at sa naganap na Second Dark War sa pagitan nina Nero at ng malalakas na mga elemist. It happened several years ago already, and I wonder what really happened, because only few events are stated in this book.

"Second Dark War? When did the first one happen?" Nakapagtataka lang dahil wala man lang impormasyon na tungkol sa First Dark War.

"Maybe a top secret. Just as I expected, hindi hahayaan ng Council na ilahad lahat-lahat," bulong ni France habang taimtim na nagbabasa ng libro.

"Let us just continue reading," I suggested.

Nalaman ko na ang Allied Forces na tumalo kay Nero ay nagmula sa Royal Families, at kalaunan ay hinirang na mga miyembro ng Council of Elementa ang mga pinakamalalakas sa angkan nito. Samakatuwid, hindi pa katagalan na nabuo ang Council, just after the war. Siguro mas mabuti na rin na nagkaroon ng Council para sa katahimikan at kapayapaan ng buong Elementa. Right now, the council is the supreme power of Elementa.

Bigla akong naging interesado sa isa pang grupo na lumaban kasabay ng Allied Forces, ang sinasabi nilang Guardians.

"A mysterious group of elemists with tremendous and unimaginable power fought alongside the Allied Forces to defeat the Dark King. Wanted to be known by many, yet they left without a single trace," pabulong kong pagbasa sa huling linyang nakasulat.

"They are total mystery. No one knows what's their real involvement in the war."

"You're right, France. Do you think they're still alive?"

"They were able to fight against the Dark King, so they are powerful enough to be alive until this day. It's only eighteen years ago, remember?"

"Yeah, right. I wonder where they are right now."

"No one knows." Nagtaas-balikat siya at kinuha ang isa pang libro at sunimulang basahin kaya kinuha ko na rin ang sa akin.

The Forbidden Objects of Elementa

Binuksan ko ito upang simulang basahin. Medyo familliar na sa akin ang mga introduction dahil sinimulan na namin itong pag-usapan kaninang umaga.

Obscure Baton. Tinignan ko ang larawan nito. Isang mahabang baton na may kakaibang desinyo. Just looking at it, you can already feel the dark energy that surrounds that object.

Samantalang ang Lumiere Baguette ay simpleng wand lang na kulay silver. Nothing is special. There are no intricate designs and detailed symbols at all.

Yung Morte Pendulum ay isang nakabibighaning pendant. I look intently at the picture. It's so lovely and mismerizing. Isang napakalaking gemstone na kulay itim at may desinyong silver at violet.

Pinakli ko ang sunod na pahina, napataas ang kilay ko.

~ Buch de Malefico, a book, maybe. ~

Yan lang ang nakasulat at wala man lang kahit isang imahe. Great, sana hindi na lang nila nilagyan nito. Wala ka rin namang makukuha na impormasyon.

"That one is interesting, don't you think so?" Napatango na lang ako sa tanong ni France dahil tama naman siya. "Let's feed our curiosity, Alexis. Come on, this library is a home of mountains of books. I don't think there is no any single book in here that contains even a bit of information about it."

Napatayo siya kaya sumunod na rin ako. Napatingin ako sa aking mga kaklase. Tahimik lang silang nagbabasa, pero maraming hindi pumunta ngayon dito. Well, Emily is one of them. She hates books like most of us are. Pumunta lang naman ako dito dahil marami akong katanungang gustong masagutan.

FEUTERACRIA : School for Elemental Users Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon