ALEXIS
What the hell?
Pinakiramdaman ko ang aking paligid. Mukhang bumalik na ako sa aking katawan at sa kasalukuyang panahon. Marahas kong binuksan ang aking mga mata at huminga nang maayos dahil mukhang kinakapos ako ng hangin.
Gumising ako sa isang pamilya na lugar.
Nasa infirmary ako. Yeah right. Nahimatay pala ako dahil sa kung anong ginawa sa akin ng tauhan ni Ministro Benedicto.
Nag-iisa lang ako dito. Himala at hindi mukha ni Miss Ana Lu ang bumungad sa akin. Siguro may mahalagang bagay siyang ginagawa ngayon.
Anong oras na kaya? Medyo madilim na rin sa labas. Pero napagtanto kong hindi naman ako katagalan na nawalan ng malay tulad ng dati dahil suot ko pa naman ang damit ko kanina. Hindi rin ako nakakaramdam ng gutom o uhaw.
"It's a sign that you're becoming stronger."
Napatayo ako sa narinig kong boses na nagsalita. Napapikit ako. Kinilabutan ako bigla. Ang boses na namang ito. Ilang beses na ba ako nito kinausap? Huling tanda ko ay noong IntraGrand Tournament.
Saan ka nanggagaling? At sino ka?
"I am you. You are I." Napamulat ako nang tuwid ako nitong sinagot.
Can you explain it to me better?
I can't get what that voice is trying to point out. Naghihintay ako ng sagot pero wala na akong boses na narinig pa. Nagiging baliw na ako dahil kinakausap ko na ang aking sarili.
Bigla akong napatulala sa kisame dahil sa mga nalaman ko noong tulog ako. I know that what I saw earlier is all true. Ang hindi ko lang alam ay kung papaano iyon naging konektado sa pagkatao ko? Inisa-isa ko ang bawat detalye na aking nasaksihan upang maging malinaw ito sa akin.
From the old castle. The king's hall. Grunder. Floria. The Forbidden Objects. Wachterson. Mga Bantay. The twin siblings Brancaleus and Brandaleus. The Borosque Family. Nerius Malvagio.
Inulit ko ng ilang beses sa aking isipan ang huling pangalan. Sa kanya unang pinagkaloob ni Grunder ang Obscure Baton. Ayon sa klase namin kay Professor Delancy, ang huling gumamit nito ay si Nero, ang Dark King.
How is he related to Nerius Malvagio?
Nerius and Nero.
Is it possible that he's his - - -
Mabilis akong napalingon sa kanang bahagi ng kuwarto nang may lumabas doon na kakaibang halaman. It's my first time seeing that kind of plant. Nang may lumabas ditong lalake ay tumayo ako nang maayos at inihanda ko ang aking sarili.
"Who are you?" singhal ko sa sa lalaking inilabas ng kakaibang halaman. Tinignan lang ako nito nang taimtim. "I said, who are- - -"
Hindi ko naituloy ang aking tanong nang makita ko ang isa pang lalakeng kasunod niyang lumabas mula sa halaman. Mukhang nagulat din ito nang makita ako.
"Ako si Patrickson Selva," magalang na pagpapakila ng naunang lalake at yumuko pa. Halos hindi ko na siya mapansin dahil sa presensiya ng kasama niya.
"What the heck, Selva!? You didn't tell me she's awake already!" singhal ni Zach.
Yeah. He's freaking Zach for real. Si Zach na kababata ko. Si Zach na nakasama ko ng isang linggo sa Dehors.
"You didn't ask," kibit-balikat na sagot ni Patrickson Selva.
"Leave." Walang pasabi ay nabalot ng iba't ibang halaman si Patrickson Selva at biglang naglaho. Nag-iwan pa ito ng isang makulay na bulaklak na lumutang sa ere.
BINABASA MO ANG
FEUTERACRIA : School for Elemental Users
Aktuelle LiteraturFirst Elementa Series A world of magic. A truth waiting to be found. On her 18th birthday, Alexis Donn entered Elementa, a realm where magic lived in every breath. But beneath its beauty, secrets stirred, and whispers of an ancient mystery reached o...
