ALEXIS
I'm currently pacing back and forth.
"Calm down, will you?" reklamo ni Merida dahil nauumay na siguro siya kakatingin sa akin. Nandito kami ngayon sa isang room ng Grand Colosseum, at ilang minuto na lang ay magsisimula na ang Grand Battle. And I'm trembling really hard.
Kaninang umaga ay natapos na ang laban sa pagitan ng House Terra at House Feur. Isa ako sa mga nakapanood ng laban at hindi ko inaasahan ang mga nangyari. The battle was freaking serious and deadly. It's like I'm feeding myself to a dungeon of lions. Sa huli ay nanalo pa rin ang House Terra sa pamumuno ni Nichols Fieldrich. That friend of mine is incredibly wicked and mighty.
Matthias Flame also gave off a strong fight. Isang napakahirap talunin na kalaban. Kahit magkaibigan ay pinakita nila ang katapatan nila sa kanilang Household sa loob ng arena.
They're both beasts.
Ang napansin ko lang sa House Feur ay kulang sila sa teamwork. Pinapangunahan sila ni Jonathan Velcan. Well, malakas naman siya pero hindi lang naman siya ang nakikipaglaban, isang grupo sila, kaya dapat inisip din niya ang kapakanan ng kanyang kasamahan. He's so arrogant and full of air. Dahil sa pinagsamamg lakas ng grupo nina Nicholas ay nakayanan nilang i-out ang dalawa nilang kalaban. Kaya automatically talo na ang House Feur at hindi na makakalaban sa championship.
Now, I wonder how our fight will be.
Biglang bumukas ang pinto. Napalingon kaming lima na naroroon. Pumasok ang limang taong hindi namin inaasahang makita. The members of House Aria.
"Ano ang ginagawa niyo rito?" maangas na tanong ni Elizabeth sa kanila. Biglang nagkaroon ng tensiyon sa loob.
"Hindi na ba pwedeng kamustahin ang aming magiging kalaban?" natatawang tanong ng isa sa kanila.
I know him. Stanley de Ciel. Ciel is a French term for sky. At alam ko na kung gaano siya kalakas, his surname screams of it.
"This is a private space for us. Get out, now." It was Herald Catumsky who demanded.
"You're being harsh, bro. We just want to see you still in whole pieces." He's Delican Viento. Viento is a Spanish term for wind.
"If you're getting fired up, we can start the fight right now, right here," dagdag pa ng isa nilang kasamahan. Si Mariano Azul. Azul is a Portuguese term for azure.
Tinignan ko pa ang dalawa nilang kasama. Grindle Brise, our classmate, the only female in the group. Brise is a German term for breeze. And Marlon Nuvola. His surname is an Italian term for smoke.
Yes, I did some research about my opponents. It's very important to know whom you are fighting against.
Napahawak ako sa leeg ko nang maramdaman kong nahihirapan akong huminga. Biglang bumigat ang paghinga ko dahil mukhang nauubusan ako ng hangin.
Hangin.
Napatingin ako sa grupo na nasa harap namin na ngayon ay nakangisi na. Sila ba ang may gawa nito?
Nagulat sila bigla nang may lumipad na malalaki at matutulis na yelo patungo sa kanila. Isa-isa nila itong iniwasan. Pero hindi nila inaasahan na marami pang kasunod ang mga ito kaya naging abala sila sa pag-iwas.
Bigla akong napahawak sa tiyan ko nang maramdaman kong maayos na ang aking paghinga. Nang makahinga na kami nang maayos ay tsaka lang tumigil ang mga nagraragsang yelo patungo sa kanila.
Tumayo si Merida mula sa pagkakaupo.
"Be careful who you're messing with. I can't guarantee mercy." She sounded a total brat, but for the first time, she's super cool figuratively and literally, dahil nagsisimula nang magkaroon ng usok ang nagyeyelo niyang kamay.
BINABASA MO ANG
FEUTERACRIA : School for Elemental Users
General FictionFirst Elementa Series A world of magic. A truth waiting to be found. On her 18th birthday, Alexis Donn entered Elementa, a realm where magic lived in every breath. But beneath its beauty, secrets stirred, and whispers of an ancient mystery reached o...
