ALEXIS
Where on earth am I?
Hindi ko alam kung bakit, kung kailan, o kung paano ako napunta sa lugar na ito. Muli akong napalingon sa daan na mukhang ilang araw ko nang nilalakaran. Saan ba ito patungo?
I'm at nowhere, with no one.
This is the weirdest place I've been to. Sa kaliwa kong bahagi ay nagyeyelo samantala sa kanan naman ay may naglalagablab na apoy. Pero mabuti naman dahil hindi man lang naaapektuhan ang pakiramdam at katawan ko sa kakaibang paligid na ito.
Biglang nawala ang usok sa harapan ko. Napatigil ako nang mapagtantong nakaharap ako ngayon sa isang malaking gate. Nagulat pa ako nang marahas itong bumukas.
Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa akin. Hindi katulad sa aking tinahak na lugar, mukhang normal at maayos ito kaya hindi na ako nag-atubili at pumasok na.
Mukhang nasa isang maliit na nayon ako. May nakikita akong iilang kabahayan pero napakatahimik ng lugar. Ilang lakad at pagmamasid ang ginawa ko bago ko mapagtantong walang taong naririto. Isa itong abandonadong nayon. Magpapatuloy pa sana ako sa paglilibot nang may marinig akong kakaibang musika sa loob ng gubat sa hindi kalayuan. Someone is playing a musical instrument. Sinundan ko ito.
Ilang hawi rin ng mga halaman ang ginawa ko bago ko marating ang pinagmumulan nito. Isang nakatalikod na babae ang nakita ko at may hawak siyang harp. She's gently plucking the strings by her fingers. Pero bukod doon ay naagaw rin ang aking pansin ng kulay ng kanyang buhok.
Kulay bughaw ito.
Naalarma ako nang tumigil siya sa pagtugtog at marahang lumingon sa aking kinaroroonan. Nang magtama ang mga mata namin ay bigla akong napatigil.
I know those eyes.
Binigyan niya ako ng isang matingkad na ngiti, at doon ko napagtanto ang kanyang taglay na natural na kagandahan.
This is my first time seeing her, but it feels odd because I feel like we've known each other already. Marahan siyang tumayo at lumapit sa aking kinaroroonan. Hindi ako makagalaw sa hindi ko malaman na dahilan.
"You're here, at last." Is she expecting me to be here from the very beggininig?
"Who are you?" Sa rami ng naglalarong kaisipan ay isang tanong ang lumabas sa bibig ko. Ngumiti siya. She smiled, but I saw pain and sorrow crossed her eyes.
"Of course, you don't know me." Tinitigan niya ako nang mariin na mukhang mawawala ako oras na kumurap siya. "You don't know me, but I know you, Alexis." Her voice is full of longing.
"How? How do you know me? And where am I? Am I still at Feuteracria? How did I get here?" Pinaulanan ko siya ng maraming katanungan.
"You're not in Feuteracria, but you're still inside Elementa. Narito ka ngayon dahil ito ang itinadhana para sa'yo." Nadagdagan na naman ng katanungan ang isip ko.
"Alam kong naguguluhan ka pa ngayon, ngunit unti-unti ay magiging malinaw din ang lahat para sa'yo."
Nagulat ako nang hinawakan niya nang marahan ang kamay ko. And from that moment, I felt different kind of electric connection.
"You grew up into a fine lady. I have to thank Cynthialla for raising you in a delicate way."
Cynthialla
"By any chance, are you referring to Auntie Cynthia?"
Napangiti siya. "Yes," maikli niyang sagot at mas hinigpitan pa ang paghawak sa kamay ko.
"How are you related to her?"
"Cynthialla Vendeta is more than a friend, she's a family to me. A very fine woman with a genuine heart."
BINABASA MO ANG
FEUTERACRIA : School for Elemental Users
Ficción GeneralFirst Elementa Series A world of magic. A truth waiting to be found. On her 18th birthday, Alexis Donn entered Elementa, a realm where magic lived in every breath. But beneath its beauty, secrets stirred, and whispers of an ancient mystery reached o...
