Chapter 31 : Restricted

294 14 1
                                    

ALEXIS

Tahimik kaming naglalakad papunta sa library ngunit alam kong tulad ko ay malayo rin ang lipad ng isipan ng mga kasama ko.

Pagkatapos ng aming klase kahapon ay agad kong sinabi sa kanila ang aking natuklasan. Kumbinsado naman silang lahat.

Ministro Benedicto is the one responsible for Helga’s incident.

Ngayon ay nakakasiguro na ako. Ang nakita kong butones noon na may gintong desinyo ay sobrang katulad ng butones na mayroon siya na hindi ko inaasahang mapansin noong nagkaharap kami.

At ang dulo ng pana na nakita ni France ay ang ginamit niya kay Helga. Of course, he’s capable of armament smithing. Inilagay niya ang kapangyarihan niya sa pana at pinatamaan si Helga mula sa malayo.

Yes, we have also confirmed that he’s a fire elemist.

Siguro nalaglag ang butones ng damit niya nang puntahan niya ang lokasyon ng insidenti upang masiguro na walang kahit na anong bakas na makapagtuturo na ang Council ang may pakana nito.

This is the theory that we have come up with after we analyze things through.

Helga found out about the passage in the basement but she was easily caught by the Council. To make sure she’s not going to tell anyone, they took her away from the school.

Dinala siya sa Hallow Forest. A very logical decision dahil walang magtatangkang halughugin ang lugar na yun.

Ngunit hindi nila inaasahang makakatakas si Helga.

Tumakbo siya agad pabalik ng Feuteracria. Ngunit hindi pa man siya nakakapasok sa main gate ay tinamaan siya ng isang pana na naglalaman ng kapangyarihan ni Ministro Benedicto. At yun ang apoy na nakita ko, ang nakita namin ni Emily, noong madaling araw na yun.

We tried hard to decipher everything last night. And I think it was a success.

Masyadong late na kaming natulog ngunit dahil pinainom kami ng tsaang ginawa ni France ay napakaganda ng gising namin ngayon. Nakakawala ng stress at frustration ang tsaa dahil ginamitan ito ni France ng kakaibang herbs na silang dalawa lang ni Matthias ang may alam ano.

Anyway, it’s perfectly effective.

Napatigil kami sa aming paglalakad dahil isang hindi inaasahang pigura ang aming nakasalubong. Si Ministro Benedicto. May kasama rin siyang iilang tauhan mula sa Ministerial Army. Napayuko kami bigla bilang pagbibigay galang sa kanya.

I narrowed my sight down to his suit.

Napangisi ako.

Eksaktong katulad ng butones na aming natagpuan ang meron siya. Napansin kong pasimpleng napatingin din doon ang aking mga kaibigan.

“Oh! The successor of Guillamard Fieldrich,” nagagalak nitong patukoy kay Nicholas. Tinangoan lang siya ni Nicholas.

Napatingin siya sa gawi ko. “And look who’s here also, Miss Alexis Donn.”

Tinignan ko lang siya ngunit wala akong pinakitang emosyon.

You’re a full of deceit, old man! 

Gusto kong isigaw sa pagmumukha niya ang katagang iyan. Hindi siya nararapat sa kanyang puwesto bilang isang Prime Council.

Napatingin naman siya sa gawi ni Matthias at napatango.

“You have some great friends, little girl.” Tinapik niya ako sa balikat ko at tuluyan na kaming nilagpasan.

Ilang sandaling katahimikan ang bumalot sa amin.

FEUTERACRIA : School for Elemental Users Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon