Chapter 36 : The Holy Instrument

271 8 0
                                    

THIRD PERSON

Sa isang liblib na daan ay isang karawahe ang naglalakbay sa gitna ng gabi. Malayo pa man ito sa paroroonan ay halatang patungo ito sa Feuteracrea.

Bigla itong tumigil dahil sa isang bulto ng babae na sumulpot sa gitna ng daan. Natatakpan siya ng itim na kasuotan na tanging mga mata lang ang nakikita sa kanya.

Biglang lumabas mula sa karawahe ang isang matipunong lalake na may malaking palakol na nakasabit sa kanyang likuran.

Tinignan nito nang mariin ang babaeng nasa harap niya na tanging mata lang ang makikita.

"Who are you?" kalamadong tanong ng lalaki.

"Does my name even matter when you're about to die any moment soon?" Kahit hindi nakikita ng lalake ay alam niyang nakangisi ngayon ang babaeng nasa harapan.

Napatawa nang bahagya ang lalake. "Really? Am I going to be scared now?" Napangisi pa ito.

"Finish her." Utos niya sa dalawang kawal na nagsisilbing kabalyero bago tuluyang pumasok sa loob ng karawahi.

"Kung sino ka man, isang malaking pagkakamali ang iyong ginawa. Hinaharangan mo ngayon ang daanan ng isang Admiral ng Council kaya matitikman mo ang kaparusahan na ipinataw niya sa'yo!" sumbat sa kanya ng isang kawal at mabilis na inatake ang babae. Tumulong din ang isa pang kawal.

Ngunit ilang sandali lang ay nalaglag sa lupa ang katawan ng dalawang kawal na wala ng malay, o mas maiging sabihing, walang ng buhay.

Biglang nawasak ang buong karawahe at lumabas doon ang bagot na lalake na isa palang Admiral. Kasalukuyang hawak na niya ngayon ang kanyang malaking palakol.

"Bunch of weaklings!" singhal niya sa dalawang kawal at biglang nagliyab ang kanilang katawan.

Napangisi naman ang babae.

"You're their idol, did you know that?"

Dahil sa sinabi niya ay agad siyang nilusob ng Admiral. Malalakas na atake ang pinakawalan nito gamit ang palakol na kasalakuyang nag-aapoy, sapagkat fire elemist ito.

Ngunit lahat ng kanyang atake ay pulidong naiiwasan ng babae. Ang mga galaw niya ay perpekto na mukhang ilang taon na siyang nag-iinsanyo sa martial arts.

"FIRE CANNON"

Malalaking bilog na apoy ang bumulusok patungo sa babae. At nasundan pa ito. Ngunit lahat ng iyon ay natupok dahil nagpakawala rin ng malalaking bilog na tubig ang mestiryosong babae.

"A water elemist, huh?" namamanghang pahayag ng Admiral.

"The Executioner, huh?" sagot naman ng babae patukoy sa kalaban niya.

"You seemed to know me, and yet you decided to attack me alone? You got pretty big guts, woman," nakakainsulto at nakangisi nitong pahayag.

"Sinong hindi makakakilala sa'yo? Isang aso ng Council na tanging ang papel lang ay patayin ang sinumang napatawan ng kamatayan," sagot ng babae sa kanya. Binigyan niya ang kaharap ng isang mas nakakainsultong tingin.

"I still want to play with you, but I need to see the Prime Council immediately. I have huge news for him. So, I'll finish you quick."

Bigla nitong inatake nang mabilis ang babae. Hindi maipagkakaila ang kalakasan ng kapangyarihan ng Admiral. Akala niya ay madali niyang matatalo ang babae ngunit nagkakamali siya. Madali lang siya nitong nasasabayan sa kanyang mga atake.

"The blades of my axe are already thirsty for blood. Matagal na simula nang nabahiran ito ng dugo. Sa pagkakaalala ko ay ang leeg ng matandang Philippius III ang huling nahalikan nito ilang taon na ang nakalilipas."

FEUTERACRIA : School for Elemental Users Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon