Chapter 32 : A Storm Has Come

250 11 0
                                    

ALEXIS

Tanghali na.

Naglalakad kami ngayon ni Nicholas patungong Dining Hall. Nagpresenta kami na kaming dalawa na lang ang kukuha ng lunch para sa amin dahil napagdesisyunan namin na sa library na lang kami kakain. We have to be productive as much as possible. Mabuti na lang dahil maganda ang record ni France sa librarian kaya pinayagan kaming doon kumain basta hindi lang kami magkalat.

Nasa library pa rin ang tatlo. Binabasa na ngayon ni Emily ang libro tungkol sa Golden Grail na napag-alaman kong tungkol sa Holy Grail lang naman pala. Much fitting if they change its title into Holy Grail.

Sina France at Matthias naman ay siguradong nagmamatyag sa lugar na binabalak naming puntahan.

Gusto naming puntahan ang Restricted Section.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang tungkol kay Director Wachterson the Eye.

"Si Wachterson ay inatasan ko ng isang mahalagang gampanin. Sa pamumuno niya ay sisibol ang bagong pangkat ng mga Sinaunang Bantay na sa pagdating ng panahon ay may gagampanan din na mahalagang tungkulin."

"Iyan ba ang dahilan kung bakit naroroon siya ngayon sa isang palasyo na iyong ginawa ilang buwan na rin ang nakalipas?"

"Ganoon na nga, Floria."

Binalikan ko ang pag-uusap ng mag-ama na hanggang ngayon ay nakatatak sa aking isipan.

Doon ko unang narinig ang pangalang Wachterson.

Kung iisang Wachterson lang tinutukoy nila, posible kayang ang kastilyong tinutukoy ni Grunder ay ang Feuteracria? Come to think of it, the overall structure of the school is similar to a grand castle.

Kung siya nga ang pinakaunang Director ng Feuteracria, sino ang mga naging studyante niya?

Normal lang na sa mga unang taon ng pagkatatag ng isang paaralan ay kaunti lang muna ang papasok dito.

Lalo na at sa mga panahong yun ay hindi pa common ang ideya ng pagkakaroon ng paaralan.

Sinaunang Bantay

Hindi kaya sila ang mga - - -

"Hey, you! Kanina pa kita kinakausap pero mukhang ang lalim ng iniisip mo." Biglang natuon ang atensiyon ko sa harapan ko nang kumaykaway dito si Nicholas.

Mukhang dinala na naman ako sa kung saan dahil sa aking malalim na iniisip.

"What is it?" nakataas kong kilay na tanong sa kanya.

He slowly motioned his head to the right. "Huwag kang lumingon," bulong niya sa akin.

Napatango ako. Using my peripheral vision, I tried to look what's in there. Or who's in there.

Nakita kong mabilis na naglalakad si Sir Gandal. Tulad ng dati ay balot na balot ang katawan nito. Mukhang wala itong pakialam sa paligid at balisa kung ano man ang iniisip niya ngayon.

Hindi ko makita ang kanyang ekspresyon dahil tanging mata lang niya ang nakalabas sa kanyang mukha.

Kakaunti na lang ang studyante sa paligid dahil nasa Dining Hall na ang karamihan.

Pumasok si Sir Gandal sa isang silid.

Nagkatinginan kami ni Nicholas. Dahil mukhang iisa lang ang iniisip namin ay mabilis ngunit maingat naming tinungo ang silid na pinasukan niya. Mabuti na lang at may parte sa labas ng silid na medyo tago.

Sumilip kami nang kaunti sa bintana.

Napalaki ang mga mata ko.

May biglang lumabas na usok at naging pormang tao ito.

FEUTERACRIA : School for Elemental Users Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon