Bullet pov
After ng kasal nila King at Reishel dumeretso ako sa apartment ko. Dahil sa kapilyuhan ko itinakwil nila ako sa bahay hahaha
Joke...
Mas gusto ko kasi mapag isa kesa sa bahay. Hindi ko kasi magawa ang mga gusto ko.
Hinahagisan kasi ako ni Mama ng knife parati.
Ang papa ko naman ay wala. Hindi ko kilala. Bunsong anak si Mama her name is Katana Princess Grazeter. ..
Grazter pa rin ang pelyedo ko dahil na buntis lang si Mama. One and only ako. . Yung pinupush ko na si Mama na mag asawa pero ayaw niya. ..baka mahal pa niya papa ko kaya ayaw mag mahal sa iba. Hahaha
Well di naman ako magagalit kung meron man. Basta masaya si Mama.
Ang papa ko..kung asan man siya..hahaha doon nalang sya.
Wag na siyang babalik.
Baka mahagisan ko lang siya ng bomba.
Expert ako sa paggawa ng bomba at mga weapon na hindi basta basta kilala mo naman angkan ko.
27 years old na ako. Sabi ni lolo Uno. Mag asawa na daw ako. Akalain mo yung 15 years old palang ako noon sabi ba namang mag asawa na ako at magkalat ng lagim este anak.
Wala pa nga ako nagiging gf sa edad kong ito. Pinagtutulakan na nila akong mag asawa.
Ako kasi yung taong bahay lang,kahit sa trabaho dito na din sa apartment ko siya pa pamasahe at gasolina.
Mas magaling kasi ako gumawa ng weapon kesa magpaka mafia leader sa clan. Pero proud ako ha baka isumbong niyo ako.
Si lolo Junpyo ang nagturo sa akin paano gumawa ng kakaibang bomba. Ang isang bomba ay naghahalaga ito ng 150 thousand pesos. .ganun kamahal.
Nasa kalagitnaan na ng gabi habang nagtitimpla ako ng kape ko may kung anong iyak akong narinig mula sa kabilang apartment.
Tsk umiiyak na naman siya dahil lang siguro sa isang lalaki. Sus....kalokohan.
Nag iisa lang din yung kapitbahay ko. Hindi ko siya kilala 2 mons pa lang kasi siya. Umaga na kasi siya umuuwi at gabi naman ang siyang pag alis niya.
Napaisip nga ako kung ano trabaho niya. Kung hindi pokpok( sorry for the words)..baka callcenter. Sinisilip ko siya sa may beranda ng apartment. Mga sexy'ng damit parati suot niya pag umaalis.
Tapos pag dating niya puro ingay naririinig ko.
Tumunog nag cp ko.
Mama's calling
" hello Ma?.. Yap nakauwi na ako. Ma naman..pinagsasabi niyo dyan. Naniniwala kasi kayo kay lola Kendra eh. Di ko nga alam pangalan."
Si Mama tsismosa nalaman lang nila may babae akong kapitbahay. At alam niyo kung sino nagtsika kay lola Kendra...syempre ang apo niyang si Lupin. Akyat bahay kasi si Lupin halata naman sa name.😂
Magkasing edad lang kami ni Lupin.
Blag!
Nagulat ako sa narinig ko.
Anak ng pitong gatang oh ..natapon kape ko.
Tumakbo ako sa labas at pumunta sa kapitbahay ko.
Alam ko ang tunog pag blag!
It's either gamit or katawan ang bumagsak.
Trinay kong buksan ang pintuan at bukas naman.
" Miss..."