Aerea Pov
Ngayong araw ang pagpunta namin sa matandang manghuhula. Gaya ng dati lahat ng girld na naman kasama ko. Hahaha pero sobrang saya nilang kasama.
" heto na ang bahay ni lola...tara" Maynie
Isang papasok na iskinita kame pumunta at sumalubong sa amin ang isang batang babae.
" magpapahula po kayo kay lola?"
" oo andyan ba siya?" tanong ni Maynie
" may sakit po si lola mga ate....pero pasok po kayo para alam niya na may bisita siya..bibili lang po ako ng gamot niya."
Pumasok na kami sa bahay nila lola...tagpi tagpi lang ang bahay nila ,doon ako naawa . Sabi kasi nila Amara na hindi nagpapabayad si lola sa mga hinuhulaan nya dahil para sa kanya tulong nalang daw niya ito.
" lola andito po ulit kami...ito po kasing kasama namin magpapahula sana .." pagsisimula ni Maynie
Bumangon si lola
" tsaka nalang kaya may sakit si lola.." sabi ko.
" hindi iha...halika dito ,wag kang mag lala kaya ko naman. "
Ubo ng ubo si lola habang kinukuha niya ang mga gamit nito.
" sure kayo lola na kaya niyo?" paniniguro ni Raven
" kaya naman daw niya Raven...ano ka ba?!" pagsusuway ni Bianca
Nilapitan ako ni lola at agad niya akong hinawakan ang aking mga kamay.
Bigla itong natigilan...natulala at parang natatakot siya.
" lola?" Maynie
Niyaya akong umupo na may mesa.
" Iha... isang trahedya ang magaganap, isang buhay ang darating...pero isang buhay din ang mawawala. ... Isang lalaki ang*ubo* *ubo*.....ang dahilan ng kamatayan. Hanapin mo siya.... Ikaw lang ang magpapabago sa anyong kademonyohan niya. Ikaw ang gamot niya."
" lola ...ang asawa ba niya ang tinutukoy sa hula?" Akira
" hindi ang asawa mo...kundi ang taong hilim na may pagmamahal sayo."
" wait ..wait lola... So ibigsabhin hindi ang asawa niya ang bida sa story nila ...as in loveteam?" Happy
" shhh...pakinggan kasi muna natin si lola" Sad
" *ubo**ubo*... Prince charming mo...pero siya ang papatay sa Knight in shining armour mo..."
" errrr...lola ang gulo... Hindi ang asawa niya ang makakatuluyan niya?" Stacey
" Iha makinig ka sa akin.... Alamin kung sino ang Prinsipe mo...at kung sino ang Tagapagligtas mo. ..tandaan mo iha...ang puso hindi sinungaling."
" lola...gusto ko po sanang malaman kung kelan uuwi ang asawa ko" yun lang natanong ko sa kanya. Wala akong pake alam kung sino Ang prince at knight ko...basta gusto kong malaman asan ang asawa ko.
Pero hindi sinagot ni lola ang tnaong ko kundi hinawakan nya ang tiyan ko.
" paparating na siya....*ubo**ubo***ubo**... ingatan mo siya..."
Pero doon na lumala ang ubo ni lola kaya halos hindi na ito makapagsalita.
Nagtataka kami sa hula saakin ni lola... Tama sila Akira magulo ang hula sa akin.
Sa bahay na ulit kami ng usap usap.
" hindi kaya may darating na lalaki at magkaka ibigan sila ni Aerea at magkaka anak?" Maria.