Vanya pov
Hindi pa ako nakakaget over sa sinabi sa akin ni Bullet.,nakakatawa siya. Aalokin niya ako ng kasal para lang makaalis ako sa bar?.he's so ridiculous.
Tumawag sa akin si tita.
Ang asawa ngayon ni papa. My mother left me to them dahil hindi ako kayang buhayin ni Mama pag nasa poder daw niya ako. Yung ang sabi nila saakin.
Ni ha ni ho wala na akong balita sa kanya. 6 years old palang ako noon.
Kaya heto nagbabayad ng utang na loob sa kanila. Si papa hindi niya ako mahal, napilitan lang daw siya kunin ako. Kaya heto nag iisang namumuhay. Ang umaga ang siyang gabi ko at ang gabi naman ang pagka araw ko. Ang dating Princessa ngayon magdalena na.
Virgin pa ako kung yung ang iniisip nyo. Promodiser ako sa kanila. Cosplay waiter ako para makapag akit ng costumer.
Nagtapos ako sa pag aaral pero deretso trabaho ako dito sa bar nila tita.
They hate me,coz I'm beautiful..charot lang!😃
They hate because of my mother.
Reason?.. Hindi ko alam. Maybe past of their relationship.
Sinilip ko bahay ni Bullet pero mukhang walang tao.
Iba na talaga mga lalakoli ngayon.
7am na kaya matutulog na ako.
Ngunit isang tawag ang nagpanerbiyos sa akin.
Tita Marita
" hello tita?... Sorry po sa nangyari...hindi na po mauulit. ....ho?.bakit po ako magbabayad sa mga nasira?...Ok po"
Pinagalitan na naman ako. 10k daw lahat ng nasira. So ilang buwan na naman yun na walang sahod?
Iilan nalang pera ko dito.
Mamayang gabi ko nalang sasabhin ko na bawas sahod nalang. Mahirap mag budget.
" bayad pa pala ng apartment.hayss!"
Bakit kasi pinanganak pa ako eh kung ganito din pala mga magiging magulang ko. Iniwan ako ni mama...hindi naman ako tanggap ni papa. Ano pa ba silbi ko sa mundo?
Kinagabihan.
Maaga akong pumasok para kausapin si tita pero hindi ako pinapasok ng mga bouncer sa office nila tita at may bisita pa daw ito.
Nag palit muna ako ng costume ko.
" hoy babae...may tsitsika ako sayo."
Sabi sa akin ni Emerald.
" ano yun?.."
Pero wala akong ganang tanong.
" may 3 boylet sa office ni Mamita... Mukhang mayaman. Tiba tiba na naman si Mamita."
" sus..para namang may bago doon... Eh halos nga araw araw.may mga lalaki siyang bisita."
Umupo siya sa tabi ko.
" gaga...iba ito... Feel ko nga makikita ko na ang prince charming ko."palandi niyang sabi.
" hindi prince charming ang kelangan mo kundi superman. "
" napaka nega mo... Ikaw ba ayaw mo magkapag asawa ng mayaman para di ka na mahirapan dito. Sayang ganda mo bhe."
" kahit gustuhin ko man. May binabayaran pa ako sa kanila. Mukhang pang habang buhay na nga eh."
" ay oo nga pala...may raket ako bukas ng tanghali..baka gusto mo sumama... "
" anong raket naman yan?"