Someone's Pov
Pinag plaplanuhan namin kung paano makuha si Artemis ngunit nahihiraan kami dahil sa mga halimaw na nakabantay sa kanya. Halos namamatay ang sino mang sumugugod upang dakpin si Artemis. Lalo na't nanganak na ito.
" hindi tayo makakapasok sa kanila..."sabi ko kung tutuusin bakit pa namin kailangan pumasok doon kung alam naman namin na hindi din kami magtatagumpay.
" si Grey na ang bahala sa atin. Imbitado siya sa welcome party.."
" paano niya kami maipapasok.? "
" sabi niya ay mag handa nalang kayo."
" iba ang makakaharap namin, kumpara sa iba. Buhay ang nakataya sa namin sa pagpasok sa lungga nila. Hindi ko pa pinangarap mawala kahit ni abo. "
" masyado ka naman matatakutin... hindi ba sila ang dahilan kung bakit nawala ang kakambal mo.? "
" Oo sila ang dahilan pero ang paghihiganti ang gusto at hindi mamamatay nalang. "
Biglang may pumasok. Kakaiba ang itsura nito...
Hindi ko mawari kung tao o cyborg siya.
" Argus ito si George ang human healing natin siya ang ilalaban natin sa mga halimaw. "
Natulala ako sa nakita ko.
How did they make it when Midnight skull has the only one who have the guts to make a. Monster.
" Si Charlie ang dating member ng laboratory ng mga Grazeter noon. "
" meaning kinuha niya ang formula? "
" not exactly the formula... But the ingredients. sa tinagal tagal niyang pinag aralan ay sa wakas nagawa na din niya"
"Paano tayo makakasure na matatalo niya ang mga yun?"
" isasabak natin Siya bukas sa party."
Tinignan ko si George...
Mukha itong robot.
" susubukan ko muna ang kakayahan niya sa espada."
Paghahamon ko.
Ako Si Argus delaVega.... isa ako sa dating clasemate ni King sa Japan sa martial arts.
Lahat inaral ko...sabihin nalang nating inaral namin ni Archie ang aking kakambal na napatay ni King noon.
Hindi ko alam ang nangyari, pero ang alam ko lang ay si King Yuwan ang pumatay sa kakambal ko maraming saksak si Arc ng makita namin ang bangkay niya. Ayos sa nakakita na security guard ay isang halimaw daw ang sumaksak... madilim daw noon pero nakita nya ang mga mapupulang mata na napakabagsig kung tignan.
... At doon ko nalaman na si King yun. Sila lang naman ang kakaiba dito sa mundo.
Nilabas ko ang dalawang espada ko.
" tignan natin ang kaya mo..."
poker face si George at kumuha ng isang espada.
Nagbigay ng signal si Charlie para umpisahan.
Ako unang sumugod, ginamit ko ang bilis ko upang sunggaban ito.... ngunit lumihis lang ito pakanan.
Pagkalingon ko sa kanya ay isang tadyak ang binigay niya saakin.
Halos tumalsik ako sa ginawa niya.
" bravo George!"
kakaiba nga siya.