Sacrifies 2

210 12 0
                                    

Aerea Pov

Pinipilit nila akong paaminin kung nasaan ang box na naglalaman ng Chemical na ninakaw ko mula sa Laboratory ng mga Grazeter.

" Papunta na ang asawa mo...."

"pero bago yan... May ipapasilip ako sayo alam kong magugulat ka..." Master Gino.

Videocall mula kay Trishia.

Na hawak ang anak ko???

Paanong nakuha nila si Aeal?

Sa video winagayway ni Trishia ang wax face clone ni Lola Maleficent...

" hayop kayo!" pagwawala ko sa kinauuupuan ko.

" sabi ko naman sayo Pirena... Hayop kami kaya kung ayaw mong patayin ko ang anak mo ay sasabihin mo kung nasaan ang chemical."

" please kapag sinabi ko,, ibalik niyo ang anak ko" naluluha kong sambit.

" kung ganun. Asaan?"

" sa lumang simbahan sa may timog... Limang hakbang pa kanluran mula sa pintuan. Sa may bulaklak ng Rosas... 3 hakbang.....ibinaon ko doon"

Ngumisi si Master.

" sasabihin mo din pala kelangan mo pang takutin"

Sinabi ko lang para hindi nila saktan ang anak ko. Masyado pa siyang bata para maranasan ang nararanasan namin ng ama niya.

Lumapit saakin si Argus at pinaamoy nya saakin ang pampatulog.

Nagising nalang ako na naka bitin ako... Kaya pala ang sakit sakit ng mga kamay ko.

Binaba naman ako,,, pero agad akong tinadyakan sa mukha ni Trish...

" Ano Pirena? ... nagsisisi ka na ba sa pagtratraidor mo saamin?"

Hindi ako makalaban dahil nakatali ang mga kamay ko.

" kahit kailan hindi ako nagtraidor sainyo... Dahil kayo ang traidor."

Isang sipa naman ang ginawa nya saakin sa tiyan.

" tignan natin.... Kung hanggang saan ang tapat mo... dahil Hawak kana namin"

Napatingin ako sa harapan ko, kitang kita ko si Bullet nakikipaglaban kay George.

Pipilitin kong lumaban para sa anak at asawa ko.... Kaya asawa ko...! Patawad.

Nakipaglaban ako sa mga atake ni Trish.

" hindi ka na dapat mabuhay Pirena..."

Sinugod niya ako kahait hinang hina na ang katawan ko... halos lahat ng tira niya saakin ay dumadapo.

ngunit ng maalala ko ang anak ko ay bigla akong nakaramdam ng lakas upang lumaban
sinalo ko ang suntok niya para sa mukha ko....

" Kahit kailan Trish masyado kang mahina... tandaan mo hindi mo pa ako natatalo. Kahit hanggang sa kamatayan mo.." pinaikot ko ito at sinakal patalikod.

" mas mauna ka pang mamamatay kesa saakin..."

Hinampas ko ang gilid ng leeg nito na ikinatumba naman niya.

Nakita ko si Master Gino na may hawak na baril...agad niyang tinutok saakin.

" wala ka ng silbi Pirena... kaya mas mabuti pang mamatay ka na..."

" Wag!!! "

Napatingin ako kay EJ na patakbo papunta sa akin.

sinulyapan ko naman si Master Gino.

Silver BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon