Bullet pov
2 days after ng dinner meeting pero eto ako tulala pa rin sa disisyon nila.
Bakit ako ang pinili?.. Hindi ako kasing lakas nila. Yes I am a human healing but my blood is half of what they have.
Gwapong nilalang meron ako..maliban sa matalino.
😉
Ano kaya nakain ni King? Tae lungs...
Hindi tuloy ako makapag concentrate sa ginagawa ko. Hindi ko kaya mamuno sa buong clan.
Kaya nga kapag may nagyayari sa Pamilya eh halos sa Japan ako nakatambay. Hello madami na silang groupo kaya ano pa gagawin ko? Mas active ako mga costumize gun at bomb.
Ano ba naman kasi itong sitwasyon ko. Sa dinami dami naming magpipinsan ako pa talaga.
Nakakabuang!!!
8pm na..pero wala pa akong natatapos. Parang gusto kong lumabas.
Tama lalabas muna ako. Magpapalamig ...
Balak ko sanang yayain sina Taguro kaso..pamilyado na sila.
Si Colt nalang engage palang naman sila ni Piper eh.
Tinawagan ko ito at sakto gusto din noya.
Magkikita nalang kami sa bar na yung sinabi niya.
Dati kasi bago niya makilala si Piper. Taong bar din si Colt. Babaero yan... Mana sa tatay. Colt Salcedo kasi siya. Hahahah
Not in single way of his human target ay nakukuha niya in just one smile.
Well proud siya dahil siya lang ang babaero sa angkan.
,@ the bar
" Bullet dito.." sigaw niya sa akin
Magkasunod lang kaming dumating dahil wala pa siyang iniinum.
" nag order na ako."
" yun... Pwede bang sagot mo?"
" ikaw nagyaya tapos ako may sagot..hahaha hanep ka talaga .. Bakit ka ba bigla bigla nagyaya?..at himala ikaw pa talaga?"
" nababaliw na ako eh..sa disisyon na sinabi ni King."
" isang preveledge yan Bullet at ikaw ang napili niya."
" pero bakit ako?..hindi ako malakas kagaya nila... Ninyo.. tsk"
" hindi yan ang nakita ni King...kundi ang katalinuhan mo"
" pero hindi pa ako pumapayag na maging supremo"
" hindi pwedeng tanggihan ang posistion na yan Bullet..gusto mo man o hindi."
" e bakit hindi nalang ikaw?"
" ayoko nga... Mag aasawa na ako no tsaka mahirap pag meron kang minamahal. Kailangan mong iwan pansamantala para sa posisyon na yan."
" porket ba wala akong asawa ..."
" kilala mo si King.... alam niya kung sino ang mas deserved sa pagiging supremo... At ikaw lang ang hindi dumaan sa pagiging primo..at supremo agad."
" e magkasunod kasi kinasal ang magkakapatid .."
" e bakit si Lupin nga kahit may asawa tinanggap niya ang pagiging primo noong kinasal si Sad."
" e bakit hindi siya ang naging supremo.?"
" soon Bullet maliliwanagan ang utak mong puno ng pulbura, na pagiging supremo ay isang napakalaking opportunity at kakayahan para maprotektahan mo ang taong mahal mo."